WALO SA PRIBADO: Ayuda para sa mga Guro at Kawani sa Pribadong Paaralan, Ibigay!

The Issue

Sa gitna ng krisis na dulot ng COVID19, nananatiling walang kasiguraduhan ang kalagayan ng lahat ng pribadong guro sa buong bansa, mula antas pre-school hanggang kolehiyo.
          
Sa isinagawang sarbey, ulat sa facebook page, at inisyal na mga konsern na natanggap sa itinayong help desk na COVID19 Hotline Assistance for Teachers (CHAT) Project ng ACT Private Schools, nabalangkas ang mahahalagang panawagan ng sektor ng mga guro at kawani sa mga pribadong paaralan at unibersidad na tampok sa petisyong ito.
        
Upang matiyak na maisasakakatuparan ang mga panawagan sa petisyong ito kaugnay sa sahod, trabaho at karapatan sa panahon ng pandemya, inaayayahan ang publiko na lumagda at sumuporta sa ating kampanyang:

WALO SA PRIBADO: AYUDA SA MGA PRIBADONG
GURO AT KAWANI, IBIGAY NA!
              
1. Tiyaking makatatanggap ng P8,000 kada buwan na ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ang lahat ng mga guro at kawani sa pribadong paraalan, regular man o kontraktwal, na naapektuhan ang kita ng enhanced community quarantine. Gawing simple at mabilis ang proseso ng pagbibigay ng ayuda.

2. Ipagbawal ang tanggalan sa trabaho sa panahon ng lockdown at panahon ng recovery.

3. Ipagpatuloy ang pagpapasahod sa mga guro at kawani sa mga pribadong paaralan at unibersidad anuman ang kanilang employment status. Ipagpaliban ang mga kahingian tulad ng clearance at iba pang academic forms na rekisito bago ibigay ang sweldo. Ipagpaliban ang iskemang “No work, No Pay” sa pribadong sektor.

4. Magbuo ng programa ang DepEd at CHED para sa libreng pagpapagamot ng mga guro, kawani at kanilang pamilya na magkakaroon ng COVID-19.

5. Aprubahan na ang regularisasyon ng ng mga guro at kawani na naipit sa probationary status dahil sa implikasyon ng suspensiyon ng klase at naantala ang proseso ng pag-upo sa kanilang papeles.

6. Itulak ng DepEd at CHED ang paglulunsad ng demokratikong konsultasyon sa mga pribadong paaralan upang tanungin ang mga guro, estudyante at magulang kung dapat pang ipagpatuloy o kanselahin na ang online classes at ipatupad ang iba pang alternatibong opsyon.

7. Bigyan ng karagdagang benepisyo⁠—tulad ng internet allowance sa mga gurong patuloy na pinagsagawa ng online classes sa panahon ng lockdown; pinaagang pagpapasweldo, at pagbibigay ng bahagi ng 13th month pay sa lahat ng guro at kawani.  

8. Ayudahan ang maliliit na private schools upang mapasweldo nito ang mga guro at kawani sa panahon ng lockdown at mapigilan ang pagbabawas ng empleyado sa recovery period.

This petition had 2,217 supporters

The Decision Makers

Department Of Labour and Employment
Department Of Labour and Employment

Petition Updates