PAKINGAN ANG PANAWAGAN NG MGA ESTUDYANTE NG LSPU!

This petition had 39 supporters

The Issue

PAKINGAN ANG PANAWAGAN NG MGA ESTUDYANTE! PAHABAIN ANG WELLNESS BREAK AT GAWING ACADEMIC BREAK!

 

Mahigit isang buwan na noong nagsimula ang online class sa mga pamantasan. Kitang kita naman kung gaano ito kapalpak. Isa itong ordinansa na pinapaboran ang mga may pribilehiyo at binabaliwala ang mga estudyante at gurong naghihirap.

 

Kaya, muli narito ulit ang Union of Concerned Students LSPU upang ipanawagan sa LSPU adminstration na ayusin, irebisa at gawing mas makaestudyante at makaguruan ang kanilang mga ordinansa. Huwag maging sunod-sunuran sa CHED! Dahil kitang kitang naman ang sobrang kapabayaan ng ahensyang dapat sanay unang tumutulong sa mga mag-aaral. 

 

Ngayon ay hinahamon ng Unyon ang LSPU Adminstration kung tunay na nakikinig at pabor kayo sa mga estudyante malamang ay karamihan sa mga hinaing namin ay narinig niyo na. Huwag kayong magbingi-bingihan sa panahon na sunod sunod ang kalamidad na dinaranas ng bansa! 

 

Bagamat kasalukuyang nag patupad ng “Wellness Break” ang administrasyon ng LSPU para makapagpahinga naman daw sa “work load” ang mga estudyante at guro, ngunit sobrang layo ng konsepto sa reyalidad. Sa halip na Wellness break ay tila magiging Catch Up break lamang ito para sa mga estudyante at gurong maraming tambak na gawain.

 

ANG PANAWAGAN NG UNYON, HINDI SAPAT ANG TATLONG ARAW NA WELLNESS BREAK! IREBISA ANG MGA ORDINANSA GAWING MAS MAKAESTUDYANTE AT MAKAGURUAN! MAKINIG SA AMING 5 STUDENTS DEMANDS:

 

1. Iextend ang “Wellness Break” at gawing “Academic Break”. Hindi sapat ang tatlong araw upang makapagpahinga ang mga estudyante at mga guro.

 

Noong mga nagdaang linggo lamang ay nakaranas ang bansa ng apat na sunod sunod na bagyo: Quinta, Rolly, Siony, at Ullyses. Hindi sasapat kahit kailan ang tatlong araw para makahabol ang mga estudyanteng ang pamilya ay nakatira pa rin hanggang ngayon sa mga evacuation sites. Hindi sapat ang tatlong araw para mawala ang stress at trauma na naranasan ng mga nasalanta. Kaya makatwiran na pahabain at irebisa ang ordinansa. Maging makatao ang polisiya at huwag mag bulag-bulagan at magpangap na makasasabay ang lahat. 

 

2. Kumustahin ang mga estudyante at gurong nasalanta ng bagyo at bigyan sila ng agarang aksyon at konsiderasyon. 

 

Maraming mga pamilya ang nasalanta ng bagyo, partikular sa may Calamba at sa Probinsya ng Quezon. Ang ilan sa kanila ay nasa evacuation sites pa rin hanggang ngayon, limas ang kabuhayaan at bahay. Kung kaya’t marapat lamang na alamin ng pamantasan ang lagay nila. Bigyan ng agarang aksyon at konsiderasyon ang mga biktima ng mga bagyo. Huwag hayaang may maiwan na estudyante at kaguruan!

 

3. Bigyan ng libreng module, gadget, internet connection, ang mga estudyante na nahihirapan sa online class dahil sa kakulangan sa mga ito.

 

Ang edukasyon ay karapatan, at upang maging pantay ito sa lahat dapat ay pare-pareho at pantay ang mga estudyante. Ngunit dahil sa iba’t ibang estado sa buhay ay malabo itong mangyari. Kaya naman dapat huwag itong ipagsawalang bahala ng pamantasan at bigyan ng mga gadgets, internet connection, at learning materials ang mga estudyanteng hanggang ngayon ay nahihirapan sa online class. 

 

 

4. Swelduhan ng maayos ang mga guro at non teaching staff. Bigyan ng 13th month pay at iba pang benipisyo. 

 

Swelduhan ng maayos ang lahat ng mga guro, regular man o hindi. Huwag ng unahin ang kapabayaan dahil sobra sobra na ang hirap na nararanasan ng lahat! Maging makatao ang administrasyon para sa lahat, estudyante man o guro! 

 

 

5. Bawasan ang mga requirements at maging lenient sa mga estudyante. I-disseminate ng maayos ang mga impormasyon at huwag i-pressure ang mga kaguruan.

 

Imandato sa mga kaguruan na bawasan ang “work load” na binibigay sa mga estudyante. Maging mas lenient dahil hindi ito ang panahon para maging mahigpit kayo. Huwag ipasa ang lahat ng gawain sa mga kaguruan dahil hirap na rin sila. Ipagpaabot sa lahat ang mga mandato upang walang mahuli sa mga bagong impormasyon. 

 

Dahil sa kapabayaan at kakulangan ng CHED marami sa mga estudyante ang napipilitan ng tumigil sa pag aaral. Kaya nananawagan ang Unyon ng Laguna State Polytechnic University sa Administration ng pamantasan na huwag maging sunod-sunuran dito bagkos ay ipaglaban at gawin nyo ang sarili nyong mandato! Magsilbi kayo sa mga estudyante at gurong inyong nasasakupan.

 

KAMI, MULA SA UNYON NG LSPU, AY NANANAWAGAN NG AGARANG AKSYON AT SOLUSYON! ISULONG ANG LIGTAS, DE KALIDAD, DEMOKRATIKO, AT ABOT-KAYANG EDUKASYON! WALANG IWANAN!

 

#ExtendAcadmemicBreak

#NoStudentLeftBehind

The Decision Makers

LSPU ADMIN
LSPU ADMIN
LSPU FACULTY
LSPU FACULTY

Petition Updates