WALANG PUTULAN, walang pasahan ng dagdag-singil sa kuryente!

Recent signers:
John Meldrewvin Fernandez and 19 others have signed recently.

The Issue

Petisyon ng mamamayan sa Energy Regulatory Commission, Department of Energy, at pamahalaan ng Pilipinas

[English version available here]

Sa pagputok ng giyera at kalaunang pagsara ng Strait of Hormuz, ang ordinaryong mamamayang Pilipino ang pinakagipit sa pagtaas ng presyo ng langis at lahat ng bilihin. Ang kuryente, sobra-sobra ding nagmamahal, dahil sa konsyumer pinapasa ang sumisirit na presyo ng coal, gas, at langis sa pandaigdigang merkado. Ang halaga ng sahod ng manggagawa, lumiliit din. Pinapatay ang mismong kakayanan nating tustusan ang pangangailangan ng mga pamilya natin. Saan pa kukuha ng pambayad ng kuryente?

Ang kuryente ay karapatan ng bawat Pilipino. Malupit ang pagpuputol ng koneksyon sa kuryente sa panahon ng ganitong krisis at matinding tag-init. Walang katarungan at abusado rin ang patuloy na pagpapataw sa atin ng mga bayarin na ang mga kumpanya sa kuryente naman dapat ang sumasalo.

Kaya naman kagyat na panawagan ng mga lumagda sa petisyong ito:
1. AGARANG PAGPAPATUPAD NG NO DISCONNECTION POLICY. Itigil ang lahat ng pagputol ng kuryente sa mga hindi agad makabayad sa kasagsagan ng krisis sa enerhiya. Magpatupad ng makataong palugit at flexible payment schemes.

 2. ITIGIL ANG PAGPASA SA KONSYUMER NG DAGDAG-SINGIL SA KURYENTE. I-freeze ang anumang rate increase at ipagbawal ang pass-through fuel costs sa panahon ng krisis, na lampas-lampas sa ipinangakong 'least-cost' na presyo sa mga kontrata ng mga kumpanya sa kuryente.

3. PANAGUTIN ANG MGA KUMPANYANG NAGPAPATAW NG MATAAS NA SINGIL AT NG ANUMANG PANG-AABUSO. Maigting na bantayan, imbestigahan, at pagbawalan ang sobra-sobrang paniningil sa anumang bahagi ng bill sa kuryente, at panagutin ang lahat ng abusadong kumpanya.

Ang kuryente ay hindi negosyo lamang—ito ay serbisyong pampubliko. Tungkulin ng ERC, DOE, at ng pamahalaan na protektahan ang kapakanan ng ordinaryong mamamayan at tiyakin para sa atin ang abot-kaya at maaasahang kuryente, lalo na sa gitna ng krisis.  

WALANG PUTULAN AT WALANG PASAHAN NG DAGDAG-SINGIL! PROTEKTAHAN ANG MAMAMAYAN!

833

Let’s get to 1000 signatures!
Petitions with 1,000+ supporters are 5x more likely to win!

The Decision Makers

Energy Regulatory Commission
Energy Regulatory Commission

Supporter Voices

Petition Updates