Manipesto ng Pagkakaisa para sa Libreng Edukasyon at mga Karapatan

The Issue
Rise for Education - Urdaneta City University

Ang Rise for Education - Urdaneta City University (R4E - UCU), bilang alyansa ng mga estudyante at mga indibidwal na naninindigan para sa karapatan sa edukasyon, ay sama-samang nananawagan sa administrasyon ng UCU at mga kinauukulan na sana’y umaksyon nang maagap at mapagpasyahan ang sumusunod na mga kahilingan:
- Isulong ang Karapatan ng Kabataan para sa Libreng Edukasyon
No collection: Sa tuktok ng mabigat na matrikula, ang laganap na pangongolekta ng labis at pahirap na down payment at iba pang bayarin ay isang manipestasyon lamang na ang makapag-aral ay nagiging pribilehiyo na lang para sa iilan. Nagniningning ang pagiging komersyalisado ng sistema ng edukasyon sa UCU, at ginagawa nitong gatasan ng pera ang mga estudyante nito, lalo ngayong pandemya kung saan hirap ang pinakamarami. Mababaon sa utang at mga bayarin ang mga estudyante at magulang bunsod ng mga paniningil na ito.
Nagkaroon ng biglaang pangongolekta ng balanse mula noong nakaraang pangalawang semestre (2nd semester) ng Taong Panuruan o Academic Year (A.Y.) 2020-2021 nang hindi nag-aanunsyo. Hanggang sa ngayon, hindi pa nililinaw ng UCU ang tunay na kalagayan ng Institutional Recognition (IR) ng pamantasan.
Dapat ding linawin bakit “pending” sa nakaraang mga buwan ang papapatupad ng Republic Act (R.A.) 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) na nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga estudyante; kung bakit tatanggap ang pamantasan ng panibagong “RA Scholar” kung wala pang katiyakan sa IR nito; kung ano ang mga hakbangin ng administrasyon ng UCU; kung may plano ba itong magsumite ng mga kaukulang requirements; o lubos-lubos nang pipihit sa paniningil sa mga estudyante.
Ang diwa ng R.A. 10931 ay ang matagal na ipinaglaban ng mga kabataan at estudyante para sa karapatan sa edukasyon ng kabataan, hindi pribilehiyo para sa iilan. Tagumpay ito ng malawak na pagkilos ng mga kabataan hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa mga kasunod na henerasyon at sa bayan. Kaya naman ang ‘no collection policy’ para sa sari-saring bayarin ukol sa matrikula at iba pang kakambal nito ay nararapat lamang na maisulong.
Breakdown of fees: Hiling ng mga mag-aaral ng UCU ang malinaw na breakdown ng kanilang tuition at miscellaneous fees. Kapansin-pansin na noong mga naunang semestre, malinaw na nakalista ang breakdown ng tuition fee at miscellaneous fee sa bahaging likuran ng mga registration form. Ngunit noong unang semestre (1st semester) ng A.Y. 2020-2021 ay wala nang pagdedetalye sa mga babayaran, kundi sumatotal na lang ng kailangang bayaran.
Nararapat lamang na magkaroon ng malinaw na paliwanag kung bakit hindi na inilalagay ng Registrar's Office ang breakdown of fees sa registration form ng mga estudyante. Magsisilbi sana itong resibo na maitatabi nila at maipapakita sa kanilang mga magulang upang sila’y maliwanagan kung saan ba talaga napupunta ang kanilang ibinabayad sa matrikula ng kanilang mga anak.
Kung tutuusin dapat itigil na ang pangongolekta ng fees na kaakibat ng mga serbisyong hindi naman napapakinabangan ng mga estudyante sa gitna ng pandemya. Tulad na lamang ng, ngunit hindi limitado sa, mga sumusunod: library fee, medical fee, dental fee, guidance fee, insurance fee, internet usage fee, ID card/library card fee, at athletic fee.
- Makabuluhang Pagtaguyod ng Online Classes at Pagpopondo ng Gobyerno sa Edukasyon
Magkaroon ng programa para tugunan ang kahirapan at limitasyon ng mga estudyante at guro sa online classes gaya ng mga walang access o may problema sa internet at walang mga kasangkapan o gadget tulad ng cellphone. Suportahan ang panawagan ng mga estudyante, guro at mga magulang sa gobyerno para sa P10,000 ayuda na nakapaloob sa panukalang House Bill No. 9494 o Emergency Student Aid and Relief Act. Pagkakaisa sa panawagang substansyal na pagpopondo at suporta, hindi budget cut, ng pambansang gobyerno sa mga SUCs (state universities & colleges) at LUCs (local universities & colleges).
Petisyon para sa P10,000 ayuda: https://www.change.org/p/students-10k-student-aid
- Itaguyod ang mga Demokratikong Karapatan ng mga Mag-aaral
Hindi ang pananakot ang magpapatahimik sa amin. Hindi kami magpapalupig upang tumigil sa pakikibaka at pakikipaglaban para sa aming mga batayan at demokratikong karapatan.
Panahon na para kami ri’y mapakinggan. Ang aming sigaw: mabigyang aksyon ang aming mga hinaing kasama ng sangkaestudyantehan ng UCU. Magkaroon ng agarang solusyon sa sitwasyong aming kinahaharap ngayon, at huwag mahulog sa taingang kawali ang aming ipinaglalaban. Bilang institusyon ng mataas na edukasyon, dapat kilalanin at itaguyod ng UCU ang demokratikong karapatan ng mga estudyante at mamamayan na kinikilala ng Saligang Batas at ng mga internasyunal na batas at kasunduan gaya ng karapatan sa pag-oorganisa at pamamahayag.
This is not a rant. This is a collective demand. Sama-sama, ating isulong ang edukasyong makabayan at makatao. Isang edukasyong kumikilala sa mga karapatan ng mamamayan para sa tunay na ikauunlad hindi lamang ng UCU kundi ng sambayanan.

Petition Closed
Share this petition
Petition Updates
Share this petition
Petition created on September 29, 2021