Tutulan si Merceditas Gutierrez bilang Pinuno ng Senior Citizens Commission

Recent signers:
Mumtaz Quevedo and 19 others have signed recently.

The Issue

Sa gitna ng galit ng taumbayan sa mga karumaldumal na kaso ng kurapsyon, nahirang bilang pinuno ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang isang dating opisyal ng gobyerno na-impeach dahil sa kanyang kapabayaan sa mga napakalaking kaso ng kurapsyon noong siya ay Ombudsman.

Bilang mga senior citizens na matagal nang lumalaban sa kurapsyon, nababahala kami sa biglaang appointment ni dating Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez bilang Chairperson ng NCSC.

Noong 2011, in-impeach siya ng Kongreso dahil wala siyang ginawa tungkol sa mga malalaking kaso ng corruption kabilang ang Fertilizer Fund Scam, MegaPacific deal, Euro Generals, at NBN-ZTE Project.

Pero bago siya malitis ng Senado, nag-resign siya at hindi sinagot ang mga paratang.Matapos ang lampas isang dekada, napabalita noong Abril 2024 na ibinunyag ng Government Service Insurance System (GSIS) management na in-appoint si Gutierrez sa GSIS Board kahit di siya kwalipikado. Diumano, di niya natupad ang isang basic requirement sapagkat hindi siya miyembro ng GSIS nung in-appoint siya sa Board nito. 

Itong Oktubre 2025 lang, na-headline na naman si Gutierrez na inaakusahan niya ang GSIS management ng “poor investment decisions”. Isang mabigat na akusasyon dahil halos PhP 2 Trillion ang inaalagaang yaman ng ahensya para sa mga government retirees.

Pero imbes na ipursige ang issue, nag-resign si Gutierrez nung ika-14 ng Oktubre, 2025. At makalipas ang ilang araw, in-appoint naman siya bilang Chairperson ng NCSC nung ika-22 ng Oktubre 2025.

Bakit parang minadali ang appointment niya sa NCSC matapos siyang mag-resign sa GSIS?

Deserve ba ng mga senior citizens ang ganitong klaseng lider – isang na-impeach na opisyal na diumano’y hindi ginampanan ang kanyang responsibilidad na labanan ang kurapsyon?

Kung walang malinaw na sagot sa mga tanong na ito, hinihiling namin sa Office of the President na bawiin ang appointment ni Guiterrez, buksan muli ang proseso ng nominasyon ayon sa batas  RA 11350 (National Senior Citizens Act) at magpatawag ng general assembly ng mga senior citizens’ organizations para pumili ng karapat-dapat na lider ng NCSC.

Petition written by Seniors on the Move

620

Support now

620

The Decision Makers

His Excellency Ferdinand Romualdez Marcos Jr.

President, REpublic of the Philippines
Petition updates