Baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo!

0 have signed. Let’s get to 15,000!


#TanggolWikaAtBayan

PANININDIGAN AT PANAWAGAN

LABAN SA DESISYON NG KORTE SUPREMA

KAUGNAY NG MGA PETISYON SA GEC AT K to 12

 

Nakapanlulumo at nakapanggagalit. Ang mga ito ang katangian ng mga pahayag sa social media at sa emergency meeting (nitong Nobyembre 12, 2018) ng mga tagapagtanggol ng wikang pambansa kaugnay ng desisyon ng Korte Suprema hinggil sa mga petisyon laban sa mga negatibong implikasyon at legalidad ng K to 12 Law at CHED Memorandum 20 s2013. Ang CHED Memo 20 ang isang malawakang palisi na nagpapahina sa General Education Curriculum (GEC) sa pamamagitan ng pagkaltas sa mga ispesipikong mahahalagang asignatura na naisalin sa  pagbaba sa kahingiang 36 units mula 63 units.

Tunay na nakapanlulumo at nakapanggalit dahil sa mga sumusunod:

1.     Walang pagpapahalaga sa mga samahan at stakeholders na nagbitbit ng mga petisyon na naninindigan sa mahahalagang usapin sa sistema ng edukasyon.

 

a.       Wala pang pormal na kopya na nakukuha ang pitong grupo o petitioners sa Korte Suprema hinggil sa pagkatig nito sa legalidad ng K12 at CHED Memo 20 s.13. Tuluyang kumalat na sa social media ang nasabing desisyon nitong Byernes (Nobyembre 9, 2018) at napag-alaman din sa isang ulat na Oktubre 9, 2018 pa ito napagtibay ng mga mahistrado;

 

b.       Kinonsolida sa isang blanket decision ang petisyon ng pitong mga grupo at kilusan na may malinaw at komprehensibong argumento’t patibay sa kani-kanilang petisyon na dumaan sa malawakang konsultasyon at masusing pag-aaral;

 

2.      Kwestyunableng desisyon sa usaping:

a.     Prosidyural: Walang Public Hearing/Oral Arguments Bago Naglabas ng Desisyon

Lumipas ang halos apat na taon na maingay at sustenido ang pagkalampag ng stakeholders, mga samahang pangwika at edukasyon hinggil sa paghiling na magsagawa ang Korte Suprema ng kinakailangang public hearings o paglatag ng mga argumento ng mga petisyuner. Hindi ito malabis na kahilingan at bahagi ito ng demokratikong proseso  at o due process. Nagagawa ito sa mga legal petition na hinarap ng Korte Suprema at sa mga petisyong relatibong di kasimbigat gaya ng usaping malaganap na pagbabago sa batayang edukasyon at sa GEC;

 

b.     Kakulangan sa pagpapahalaga sa accountability at panlipunang hustisya. Naghuhugas-kamay ang Korte Suprema, bukod sa matagal na pagpapatulog sa mga petisyon, na wala itong obligasyong suriin ang  accountability at tunguhin ng CHED at DepEd. Taliwas ito sa mga naunang batayan ng pagtatakda ng TRO:

 

1.       Nagkaso ang TANGGOL WIKA atbp.  noong Abril 15, 2015 na nakatala bilang G.R. No. 217451. Anim na araw lamang ang makalipas ( Abril 21, 2015) , naglatag ng detalye ng batayan ang Korte Suprema sa TRO nito laban sa pag-alis ng Wika at Panitikan sa GEC. Binanggit ang pagkilala sa kahalagahan ng Wikang Pambansa sa akademikong gawain mula sa batayang edukasyon hanggang tersaryo. Ipinahayag din ang ambag ng Panitikan at Philippine Government and Constitution sa pagpapalaganap ng nasyunalismo. Bakas ang pagkilala sa usaping panlipunan hustisya lalo’t higit sa usaping paggawa. Nakasaad ang paninindigan at pagtitiyak na di magaganap ang malawakang displacement ng guro at empleyado:

 

“They contend that the Constitution expressly states that the Filipino is the national language of the Philippines. The State must lead and sustain its usage as the medium of official communication and as the language of instruction in the educational system. This holds true without distinction as to education level. Hence, "Filipino" as our language deserves a place of ·honor and usage in the educational system, from pre-school to higher education. For petitioners, rendering the usage of the Filipino language as a medium of instruction in schools as merely discretionary is a direct violation of the constitutional protection afforded to "Filipino." In the same vein, the deletion of "Panitikan'' (literature) and "Philippine Government and Constitution” as subjects in CMO No. 20 reflects its non-compliance with the State policies to preserve not only the teaching of literature as a part of cultural heritage but to the very constitutional mandate to instill nationalism and patriotism in all levels of education. Worse, the deletion of the said subjects in the new curriculum would cause unemployment for more or less 78,000 teachers and employees in educational institutions. To date, the CHED has offered neither a plan nor a mechanism to cushion the blow of sudden unemployment in the education sector. Finally, CMO No. 20 likewise violates several statutory acts, namely: Republic Act No. 7104 (Commission on the Filipino Language Act); Batas Pambansa Bilang 232 (Education Act of 1982); and Republic Act No. 7356 (An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts).”

2.       Malinaw rin sa naunang desisyon (kahit lamang sa isang TRO)  na inilalatag at tumatawid ang obligasyon ng DEPEd at CHED di lamang sa kanilang malawak na mga obligasyon sa usapin ng mga tiyak batas ( sa paggawa, sistema ng edukasyon, atbp) kundi ang pagtitiyak ng pagsunod sa mga itinatakda ng Konstitusyong 1987; Batay sa petisyon ng TANGGOL WIKA:

…Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No. 20, Series of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon gaya ng Artikulo XIV, Seksyon 6; Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18; Artikulo XIV, Seksyon 3; Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3 Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987, at sa mga batas gaya ng Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other Purposes”), Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982,” at Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and for Other Purposes.”

 

3.#TanggolWikaAtBayan

Pagbawi sa mga naunang tagumpay at pagpapalakas ng kilusan sa pagtatanggol sa wika, panitikan at mga usaping pambayan (kasama ang pagpapatupad ng K to 12)

Sa iba’t ibang antas, nagkakaisa ang mga samahan at kilusan sa wikang pambansa/Filipino na nagsasalimbayan ang usapin at ugnayan ng development/economic orientation ng bansa, sistema ng edukasyon (paninindigan maaaring mula sa pagsusulong ng makabayang edukasyon hanggang   anti-neoliberalismo) at usaping wika.

Sa proseso ng pagkatuto sa sapat at tumpak na kaisahan, patuloy ang pagsasabuhay ng mga kaisahang babawi sa mga tagumpay ng legal na pakikitunggali at magpapatunay sa lakas ng mass movement.

Magkakaroon ng serye ng gawain mula sa pagpapalaganap ng protesta at pagkalampag sa Korte Suprema sa epekto ng huling desisyon nito kaugnay ng GEC at K12. Inaasahang sisimulan ng Nobyembre 12 ang black ribbon wearing-black cloth hanging sa kani-kanilang departamento at paaralan/unibersidad. Magkatuwang ang malawak na protesta/people’s outrage ang dramatikong paghahain ng Motion for Reconsideration sa Korte Suprema. Susunod ang isang press forum para sa malawakang paglilinaw n apaninindigan ng iba’t ibang sectoral stakeholders, organisasyong pangwika, departamento ng Filipino, maninindigang administrador at pati mga nasa burukrasya ng pamahalaan.

Sa masinsin at sustenidong gawain inaasahang lalawak at magtatagumpay  ang kampanya at kilusan. Mula sa pagsusulong ng Wikang Pambansa/Filipino, Panitikan at Makabayang Edukasyon iaanak ang pambansang pagkakaisa at  demokratisasyon at tunay na pag-unlad para sa nakararaming Pilipino.

 

Magpatawag ng public hearing/oral arguments sa mga kaso kaugnay ng CMO No. 20 at K to 12!

Pakinggan tinig ng iba’t ibang sektor ng mamamayan!

Baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo!

Panatilihin ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo!

Itaguyod ang makabayang edukasyon!

 

 

 



Today: Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) is counting on you

Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) needs your help with “Supreme Court of the Philippines: Baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo!”. Join Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) and 12,162 supporters today.