Instatement of Purok San Lorenzo Ruiz as a Barangay

This petition had 71 supporters

The Issue

As stated in the law, "Local Government code of the Philippines" :

SEC. 384. Role of the Barangay. - As the basic political unit, the barangay serves as the primary planning and implementing unit of government policies, plans, programs, projects, and activities in the community, and as a forum wherein the collective views of the people may be expressed, crystallized and considered, and where disputes may be amicably settled.

Maaring dahil na rin sa laki at dami ng tao sa Baranggay San Juan ay di natin gaano nararamdaman ang mga bagay na binangit sa batas:

1. Implementation of Government Policies (isa sa pinakamadalas na daing ng ating mga kapurok ay bagsak na Peace and Order)

2. Plans, Programs and activities (Naramdaman natin ito nung panahon ng pandemya, dahil sa laki at dami ng tao sa ating Barangay ay naging mabagal ang pagbibigay ng ayuda. Alam natin na nagtrabaho ng mabuti ang ating barangay upang lahat ng daing ay matugunan subalit may limitasyon lamang ang kayang magawa ng iilang sa tao na sumasakop sa napakalaking lugar)

3. Forum wherein the collective views and people may be expressed, cystallized and considered, and disputes may be amicably settled. (Dahil sa layo ng Main Barangay sa aming Purok at limitasyon ng transportasyon na lalo naramdaman nung panahon ng pandemya ang mga nabangit ay lubhang napakahirap para sa mga mamamayan ng aming Purok.

Dahil dito aming Petisyon na gawin nang ganap na Barangay ang ang San Lorenzo Ruiz upang magkaroon ng sariling pamahalaan na tututok sa mga pangangailangan ng mga tao. Bukod pa sa sariling budget, pasilidad at mga serbisyong abot kamay ng mga tao. Ang petisyong ito ay mayroong matibay at legal na basehan ayon mismo sa batas as stated in the  Local Government code of the Philippines :

SEC. 386. Requisites for Creation. - (a) A barangay maybe created out of a contiguous territory which has a population of at least two thousand (2,000) inhabitants as certified by the National Statistics Office except in cities and municipalities within Metro Manila and other metropolitan political subdivisions or in highly urbanized cities where such territory shall have a certified population of at least five thousand (5,000) inhabitants: Provided, That the creation thereof shall not reduce the population of the original barangay or barangays to less than the minimum requirement prescribed herein.

As per the 2015 Census Brgy. San Juan already has a total population 0f 103,343, way way above  the requirements of the law as stated of 2,000-5,000. 

Napapanahon na upang ating iparating sa ating mga ginagalang na opisyal ng Probinsya ng Rizal, Munisipyo ng Taytay at Barangay San Juan na ating kinabibilangan ang ating masidhing paghahangad na tayo ay maging ganap na Barngay na. Ang Petisyon na ito ay hindi nag bibigay diskwento sa serbisyo at malasakit ng Barngay San Juan na binibigay sa ating purok bagkus ay paghahangad na mapagaan ang kanilang gawain at maging katuwang sa pagpapaunlad ng aming Purok na alam namin na hangad ng ating Barangay San Juan. At kung papapalarin at iaadya ng Diyos, hihingin natin ang gabay ng Barangay San Juan sa bagong pahina ng buhay na ito ng mga taga San Lorenzo Ruiz tungo sa pagbabago.

Makilahok, makialam at magmalasakit. SIGN THE PETITION NOW

#BrgySLR # SLRPagbabago 

The Decision Makers

San Lorenzo Ruiz Registered Voters
San Lorenzo Ruiz Registered Voters

Petition Updates