Stop the demolition of a heritage site (Don at Dona Emilano G. Custodio Grandstand, Cabiao, Nueva Ecija, Philippines)

The Issue

Kami po na mga mananampalataya ng Parokya ni San Juan Nepomuceno ay nagnanais na iparating sa inyong kaalaman ang aming damdamin ukol sa nalalapit na planong pagtatayo ng gusali sa paaralang pamparokya ni San Juan Nepomuceno. Kami po ay sama samang dumudulog sa inyong tanggapan ang aming pagtutol sa planong ito na magdudulot ng malaking problema lalot higit sa mga darating pang panahon. Sa ngayon po, ang lupang ginagamit ng parokya ay halos nasakop na ng paaralan, wala ng maayos na lugar sa lahat ng samahan. Ang mga sumusunod ang mga nagiging balakid na sa mga taong nagnanais magpunta sa simbahan:

1. Ang formation complex na pinagkaloob ng Caritas sa panahon ni Fr Rene Mangahas upang gamitin sa mga pagpupulong at ibat ibang activities ng mga samahan sa parokya na ngayon ay okupado na ng paaralan.

2. Ang patio na nagsisilbing paradahan o parking area ay laging sarado at di na makapasok ang mga may sasakyan upang magtungo sa simbahan kahit ang mga manggagawa sa parokya (Monday to Friday). Kung itatayo ang gusali sa patio na ito lalo lamang aalisan ng lugar ang mga taong nagnanais magpunta sa parokya.

3. Ang mga samahan sa parokya ay walang lugar upang pagdausan ng kani kanilang regular na gawain para sa pagpapalakas ng mga programang pangpastoral. (Hal:
Ang mga Layko Ministro sa Dining ng Kumbento nagmimiting at kailangan pang hintaying matapos kumain ang mga nasa kumbento bago makapagsimula ng pagpupulong)

4. Kung titingnan pong mabuti ang mga silid aralan ng paaralan, makikita po nating hindi kaaya aya ang paligid, dahil hindi naalagaan at nalilinis ang kapaligiran, nagkasira sira ang mga airconditioned, ang mga electrical wirings ay napabayaan, comfprt room na ginawang bodega sa formation complex at maruming kapaligiran na nakasisira sa imahe ng simbahan na kabalintuan sa kasabihan na ":Cleanliness is next to Godliness".

5. Bago magkaroon ng konsultasyon ay halos tapos na ang plano at isasakatuparan na lamang ang pagpapatayo nito na sa aming pananaw ay tahasang pambabalewala sa mga mamamayan ng bayan ng Cabiao. Kung atin din pong pag-aaralan, ang pagpapasya sa gawaing ito ay hindi lamang po ng Kura Paroko at Direktor ng Paaralan kundi higit sa lahat ang mga mananampalataya ay kailangan din pakinggan muna ang kanilang damdamin sa mga bagay na ito.

6. Gayundin po, may pag-aaring lupa ang paaralan na natayuan na ng gusali at hindi lamang pinag(a)yaman ng paaralan na may sukat na 2.5 ektarya at ito po ay ginastusan na noon pa at napabayaan lamang kaya nasira ang bubangan (sic). Tandaan po natin kung ang paaralan ay mahusay kahit saan mo ito dalhin ang mga magulang ay doon pag-aaralin ang kanilang mga anak.

7. Ang istraktura ng Parokya ni San Juan Nepomuceno ay dapat ingatan at hindi dapat sirain, dahil ito ay narito na ng mahabang panahon at ito ay nagpapa alaala sa maraming tao ng kani kanilang buhay at sa mga taong nag-alay ng yaman upang maipatayo ito. Gayundin, dapat nating isaalang alang ang mga taong nagkaloob nito at hindi dapat ipagwalang bahala dahil ito ay nagpapakita lamang ng wala nating pakialam sa damdamin at sakripisyo ng maraming tao.

8. Parish Organized Joy ay ginaganap sa Plaza de Maria na nakikipagpaligsahan sa ingay ng paligid dahil walang lugar para pagdausan nito.

 9. Bakit hindi ayusin ang mga silid aralan sa hindi na kaaya aya para sa mga mag-aaral, ito po ba ay sinasadyang hindi ayusin upang magkaroon ng dahilan upang ipagawa ang annex building? Ang pagkumpuni sa mga marurupok na struktura ng mga silid aralan ang dapat pagtuunan ng pansin at gawing prayoridad para sa kaligtasan ng mga mag-aaral yan po ay di lingid sa kaalaman ng namamahala ng paaralan.

10. Sana po ay maging aral ang mga nangyari sa mga gusali ng Cathedral na napabayaan lamang.

11. Hindi kailangan ng Parokya ng establishment na pagkakakitaan para sa mga programa ng parokya, maraming tao ang nagtataya ng sarili para sa mga ito. Ang parokya ay nabubuhay sa tulong ng mga mamamayan at naitataguyod ang mga programa ng mga mananampalatay at batid po ito ng mga naging kura paroko ng bayan ng Cabiao kung gaano ang pagmamahal ng mga mamamayan sa ating simbahan.

12. Ang nais po namin(g) ay kaayusan hindi kaguluhan.

Kami po ay hindi tutol sa pamparokyang paaralan, mabuti po ito kung ang layunin nito ay magkaroon ng mataas na antas ng espiritwalidad ng mga mag-aaral at guro. Gayundin ang simbahan ay mayroon ding dapat na isaalsng alang, napakaraming gawain sa parokya na hindi magawang mabuti dahil sa kawalan ng tamang lugar at hindi matugunan ang mga bagay na ito.

Kaya't kami pong lahat ay nagkakaisa at boluntaryong inilagda ang aming mga pangalan upang ipaabot sa inyong kaalaman ang aming kalalag(a)yan sa bagay na ito at ito po ay lubhang napakahalaga para sa amin at sa mga susunod pang salinlahi ng mga mamamayan ng bayan ng Cabiao. Nawa po ay mabigyan niyo ito ng paborable at agarang aksyon. Salamat Po at pagpalain kayo ng Maykapal

KAY KRISTO;

MGA MANANAMPALATAYA NG BAYAN NG CABIAO

avatar of the starter
Cabiao Digital Photo ArchivePetition Starter
This petition had 125 supporters

The Decision Makers

MOST REV. SOFRONIO A. BANCUD, SSS, D.D.
MOST REV. SOFRONIO A. BANCUD, SSS, D.D.
Bishop of Cabanatuan
Petition updates