DAGDAG SINGIL NG SSS AT PHILHEALTH: HUWAG MUNA NGAYON!

DAGDAG SINGIL NG SSS AT PHILHEALTH: HUWAG MUNA NGAYON!

0 have signed. Let’s get to 1,000!
At 1,000 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Julius Cainglet started this petition to social security system and

PETISYON PARA SA SUSPENSYON NG DAGDAG SINGIL SA PREMIUM NG PHILHEALTH AT SSS

Magandang balita ang pahayag ng Palasyo na pumapabor sa suspensyon ng koleksyon ng 0.5% dagdag sa premium contribution sa Philhealth ngayong 2021, gayundin sa ginawang pag-apruba ng Philhealth Board sa panukalang ito. Patuloy pa rin kaming nananawagan na aksyunan na rin ang panukala sa Kongreso na gawin ang suspensyon sa loob ng isang taon dahil sa malawak at malalim na pinsalang patuloy na idinudulot ng pandemyang COVID-19 sa trabaho at kabuhayan ng manggagawang Pilipino.

Sa katulad na dahilan ay inaapela rin namin ang suspensyon ngayong taon sa nakatakdang 1% na dagdag sa premium ng SSS na marapat ay sang-ayunan din ng Palasyo, ng SSS Commission, at ng Kongreso. Sa panahong ito ay mabigat na pasanin ang dagdag na premium kapwa sa manggagawa at employer, maliban na lamang kung ito’y sasagutin ng pamahalaan sa pamamagitan ng subsidyo.

Karugtong nito ang aming apela na sa kabila ng magiging suspensyon ay hindi dapat maapektuhan ang mga benepisyong nakalaan para sa mga kasapi ng Philhealth at SSS na tiyak na higit na kakailanganin ng mga manggagawa at kanilang pamilya sa panahong ito ng krisis.

0 have signed. Let’s get to 1,000!
At 1,000 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!