SCRAP THE MATATAG CURRICULUM NOW!

SCRAP THE MATATAG CURRICULUM NOW!
The Issue
Kami, mga guro sa pampublikong paaralan, ay mariing nananawagan sa Department of Education na AGAD NA IPATIGIL ang implementasyon ng MATATAG Curriculum at muling isaalang-alang ang pagpapatupad nito. Naniniwala kami na ang mga negatibong epekto nito sa batayang edukasyon sa Pilipinas ay kailangang lubusang matugunan.
1. Hindi makatarungang pasanin sa mga guro at mag-aaral:
Ang MATATAG curriculum ay nagpapabigat sa trabaho ng parehong mga guro at mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagpapaikli ng oras ng bawat klase ay kinakailangang magklase ng guro ng pito(7) hanggang walong (8) klase kada araw upang maabot ang maksimum na 6hrs actual teaching load dahil sa kakulangan ng guro at personnel sa eskwela. Dagdag trabaho at aralin din ang ilang mga dinagdag na subjects tulad ng National Reading Program (NRP), National Mathematics Program(NMP), Catch-up Fridays at iba pa. Ang ganitong pamamaraan ay maaaring magdulot ng stress, burnout, at pagbaba ng bisa sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Hindi ito makatutulong sa pagtugon sa problema ng mga pampublikong paaralan.
2. Pagpapalala ng krisis sa pagkatuto:
Sa patuloy na pagpapatupad nito nang walang demokratikong konsultasyon sa mga guro at iba pang pangunahing stakeholder ay talagang magiging problematiko. Imbes na maging produktibo ang guro ay sasagarin ang kanyang lakas sa paghahanda, pagkakaklase at pagchecheck ng malaking bilang klase at mag-aaral. Bukod dito, Dapat isa-alang-alang din na hindi naman natugunan ng gobyerno ang mga pangunahing isyu na nagpapahirap sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas, tulad ng matinding kakulangan ng mga silid-aralan, guro, support staff, at mahahalagang learning materials sa pag-aaral.
3. Pagkabigo na isulong ang Makabayan, Siyentipiko, at Makamasang na Edukasyon:
Ang edukasyon ay dapat pangunahing maglingkod sa mga pangangailangan at interes ng masang Pilipino, sa halip na unahin ang pagganap sa mga internasyonal na pamantayan. Ang tunay na makabayan at siyentipikong edukasyon ay magtutuon sa paglinang ng kritikal na pag-iisip, pagpapalalim ng pag-unawa sa lipunan at kasaysayan ng Pilipinas, at pagbibigay ng mga kasanayang mahalaga sa pangangailangan ng pag-unlad ng bansa.
Nananawagan kami sa isang sistema ng edukasyon na mas tumutugon sa pangangailangan ng nakararami, binibigyang-diin sa kagalingan at kakayahan ng guro at estudyante na matuto at magbibigay ng edukasyong mapagpalaya ng bayan.
IBASURA KAGYAT ANG MATATAG CURRICULUM!
EASE TEACHERS WORKLOAD!
TUGUNAN ANG MGA KAKULANGAN SA EDUKASYON!
BUILD MORE CLASSROOMS AND LABORATORIES!
MAS MATAAS NA BUDGET PARA SA EDUKASYON, KATUMBAS NG 6% NG GDP!
SAHOD ITAAS, 50K SA TEACHER I! 33K SA SG I!
868

Petition Updates
Share this petition
Petition created on August 5, 2024