Reject #NakakaPAXshit SILICA in the Philippines!
The Issue
Ireject ang NakakaPAXShit na PAX SILICA! Lumagda sa petisyon!
Nananawagan kami sa administrasyong Marcos Jr., Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), at iba pang kinauukulang ahensya na itigil ang implementasyon ng Pax Silica Initiative!
Noong Abril 16, 2026, opisyal na sumali ang Pilipinas sa Pax Silica, isang inisyatibang pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang supply chains para sa critical minerals, semiconductors, Artificial Intelligence (AI), at advanced manufacturing. Bilang bahagi nito, itinalaga ng pamahalaan ang humigit-kumulang 1,619 hanggang 4,000 ektarya sa New Clark City, Capas, Tarlac bilang isang AI-Native Industrial Acceleration Hub.
Ngunit sino nga ba ang tunay na makikinabang dito?
Hindi ang mamamayang Pilipino, kundi ang mga naghaharing uri, malalaking dayuhang korporasyon at mga buwayang mga politiko na ibinubukas ang ating likas na yaman para sa kanilang tubo.
Ano ang Pax Silica?
Ang Pax Silica ay isang dambuhalang inisyatiba na naglalayong gawing sentro ang Pilipinas sa paggawa ng AI technologies at semiconductors gamit ang ating mga likas na yaman tulad ng nickel, copper, cobalt, at chromite. Ayon sa mga ulat, bahagi rin ito ng mas malawak na strategy ng Estados Unidos para palakasin ang kanilang technological at strategic supply chains.
Sa halip na gamitin ang ating mga mineral upang paunlarin ang sariling industriya ng Pilipinas, nangangamba ang maraming sektor na lalo lamang tayong magiging tagasuplay ng raw materials habang ang pinakamalaking kita ay mapupunta sa malalaking dayuhang korporasyon.
Ipinapakita ng mga pagtataya na:
- Ang AI hubs ay maaaring gumamit ng humigit-kumulang 20 milyong litro ng tubig bawat araw, kumpara sa tinatayang 100 litro na konsumo ng isang tao sa isang araw.
- Maaaring umabot sa 5 gigawatts (5 milyong kilowatts) ang power demand ng AI Hub kada araw, katumbas ng konsumo ng humigit-kumulang 2.5 milyong pamilyang Pilipino.
- Dahil dito, may pangamba ang ilang sektor na maaari nitong dagdagan ang pressure sa power grid at makaapekto sa presyo ng kuryente kung hindi maayos na mapaplano ang suplay ng enerhiya.
Ano ang maaaring maging epekto nito sa mamamayan?
- Pagkawala ng lupa at kabuhayan
May mga ulat na nagsasabing may mga magsasaka sa Capas, Tarlac na naapektuhan o nanganganib na maapektuhan ng planong pagtatayo ng AI Hub. Ang mga lupang agrikultural na pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan ay maaaring gawing industrial at technological zone. - Mas malaking konsumo sa tubig at kuryente
Ayon sa mga pagtataya, ang malalaking AI hubs ay nangangailangan ng napakalaking dami ng tubig para sa cooling systems at napakalaking suplay ng kuryente upang mapatakbo ang kanilang operasyon. - Pagnanakaw ng ating mga mineral
Ang Pilipinas ay isa sa pinakamalalaking pinagkukunan ng nickel at iba pang strategic minerals sa buong mundo. Marami ang nangangambang manatili lamang tayong exporter ng murang raw materials habang ang mas mataas na halaga ng produksyon at teknolohiya ay napupunta sa ibang bansa. - Pambansang soberanya
Mas malalim ang integrasyon ng Pilipinas sa U.S.-led economic at technology initiatives na maaaring magpalawak ng impluwensiya ng dayuhang kapangyarihan sa mga kritikal na sektor ng bansa, Dahil dito, nananawagan tayo ng higit na transparency at pananagutan mula kay Marcos Jr. na nagpapakatuta sa mga kasunduang hindi Pilipino ang tinitindigan. - Trabaho at AI
Habang ipinapangako ang paglikha ng mga bagong industriya, may pangamba rin na ang mabilis na pag-unlad ng AI ay maaaring makaapekto sa ilang sektor ng paggawa, kabilang ang ilang trabaho sa BPO at call center industry, kung hindi sasabayan ng sapat na re-skilling at proteksyon para sa mga manggagawa.
Ano ang maaari mong gawin?
Ang paglagda sa petisyong ito ay panawagan upang:
- Ibasura ang implementasyon ng Pax Silica Initiative;
- Protektahan ang mga magsasaka, katutubo, at iba pang komunidad na maaapektuhan;
- Pangalagaan ang ating likas na yaman at kapaligiran;
- Isulong ang isang pambansang industriyalisasyon na ang pangunahing nakikinabang ay ang sambayanang Pilipino.
- Magresign si Marcos Jr. dahil sa patuloy na pagpapakatuta sa dayuhan at mga elit na korporasyon!
Hindi dapat maging kapalit ng tinatawag na "pag-unlad" ang pagkawala ng lupa, kabuhayan, kalikasan, at ating soberanya.
Hangga't ang ating mga polisiya ay nakatali sa interes ng mga dayuhang kapangyarihan, patuloy na malalagay sa panganib ang ating likas na yaman, kalikasan, at kabuhayan. Panahon na upang unahin ang isang ekonomiyang tunay na para sa Pilipino.
NakakaPAXshit 'di ba? Lumagda ngayon!
#ShutDownPaxSilicaNOW
#RejectPaxSilica #KASAMABulSU
#NakakaPAXShit!

276,616

The Decision Makers
Supporter Voices
Petition Updates
Share this petition
Petition created on July 20, 2026