Itaas ang minimum na sahod tungong P750!

The Issue

Sahod, itaas! Regional Wage Boards, itaas ang minimum na sahod tungong P750! Kongreso at Senado, ipasa ang P750 National Minimum Wage!

Kami, mga nakapirma, ay ang nagkakaisang manggagawa at mamamayan na nananawagang itaas ang minimum na sahod ng mga manggagawa mula sa kasalukuyang mga antas nito sa iba’t ibang rehiyon tungong P750 minimum.

Kami ay nagkakaisa na makatwiran ang dagdag-sahod sa gitna ng sumisirit na presyo ng langis, mga bilihin at mga serbisyo gaya ng kuryente at tubig. Warak na ang aming bulsa sa pasanin at gastusin namin sa araw-araw.

Sa kasalukuyan, naka-file ang mga wage petition sa mga rehiyon ng NCR, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas. Hinihiling naming dinggin na ang mga ito at agarang mag-isyu na ng wage increase order.

Nagpahayag na rin ng direktiba si Labor Secretary Bello na i-review na ng lahat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) ang minimum wage rates sa lahat ng rehiyon. Dapat gawin ng mga RTWPB ang kanilang tungkulin. Ilang taon nang walang wage order ang marami sa mga rehiyon.

Nagpatawag na rin ng special session ang Committee on Labor and Employment ng Kongreso na gaganapin sa Marso 17 upang talakayin ang mga panukalang batas para sa pagtataas ng sahod. Hiling naming pabilisin ang pagdinig sa Kongreso, at simulan na ang counterpart nito sa Senado.

Batid namin na maraming MSMEs ang di kakayanin na ibigay ang dagdag-sahod kaya’t ang panawagan namin ay magbigay ng small business wage subsidy ang gobyerno bilang ayuda at hindi pautang. Mahalaga ito upang makapagpatuloy sila sa operasyon at mapasahod nang tama ang mga manggagawa.

Nananawagan kami sa mga kapwa manggagawa na magkaisa at magsampa ng mga petisyon sa mga RTWPB. Nananawagan kaming maglunsad ng mga pagkilos upang igiit ang pagpapasa ng P750 National Minimum Wage. Nananawagan kami na magtayo ng mga unyon upang epektibong maipaglaban ang karapatan sa sahod, trabaho at benepisyo.

Lumahok sa Unity for Wage Increase Now! 
bit.ly/sahoditaas

Kontakin kami:
13C Kamias Road, Brgy. Pinyahan, QC
unity.for.wage.increase.now@gmail.com
facebook.com/unity4wageincreasenow

avatar of the starter
Unity for Wage Increase NowPetition Starter
This petition had 75 supporters

The Decision Makers

House of Representatives of the Republic of the Philippines

Regional Wage Boards
Regional Wage Boards
Senate of the Republic of the Philippines

Petition updates
Share this petition
Petition created on March 14, 2022