Save the coast of Gubat Bay, Sorsogon

Save the coast of Gubat Bay, Sorsogon

0 have signed. Let’s get to 500!
At 500 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Allan Espallardo started this petition to Public and

PETISYON SA PAGSALBAR SA GUBAT BAY – GUMANG COASTAL AREA

Ang malaparaisong ganda ng baybayin ng Gubat ay kasalukuyang nahaharap sa banta ng pagkasira dahilan sa Coastal Road Project.

Ang natural, mayaman at kaakit-akit na dagat na kilala sa tawag na Calayucay Beach ay katangi-tangi sa probinsya ng Sorsogon dahilan sa paborito ito na pasyalan at sa biodiversity ng lugar; mga punong-kahoy, bakawanan, bahura, isda, pangitlogan ng alimango at pawikan.

Marami sa Gubatnon ay dumidepende sa pangngingisda, pag-aalimango, agricultura at turismo. Ang pagkasira ng likas na yaman ay magdudulot ng dagdag pahirap sa buong komunidad.

Bago pa man simulan ang konstruksyon, mariing tinututulan ng mga tao ang proyekto subalit mas matindi ang kagahamanan ng mga politiko kaysa sa boses ng mga naghihirap na mamamayan.

NARARAPAT NA ITIGIL ANG COASTAL ROAD PROJECT!

1) Hindi dumaan sa tamang pampublikong konsultasyon sa mga stakeholders.

2) Walang mailabas na ebawasyon, assestment at pag-aaral hingil sa epekto ng coastal road, kalikasan at kabuhayan.

3).Walang pag aaral at comprehensibong plano na maipresenta kung ano ang projected economic returns ng  milyon-milyong gastos sa proyektong ito.

4) Hindi maipaliwanag o masolusyunan ng DPWH ang lumalalang problema sa baha. Sahalip mahaharangan ng Coastal Road Project ang natural na daluyan ng tubig ulan mula sa mga kabundukan patungong dagat.

5) Ang Coastal Road project ay hindi tugon sa naghihirap na kalagayan ng mga mangingisda na derekta na naaapektuhan ng krisis pang economiya

6) Hindi solusyon ang Coastal Road Project sa Climate Crisis

7) Hindi na papanahon upang pagkagastusan sa gitna ng sa mas malaking problemang kinahaharap ng bawat tao, ang pandemya sa COVID-19.

Habang ang buong mundo ay nagdeklara ng Climate Emergency, abala din ang DPWH  R-5 at Gubat LGU sa proyekto na magpapalala ng Global Warming at irreversible na pagsira sa kalikasan.

DENR ito ba ang inyong adaptation measure sa Climate Crisis?

Panawagan namin na itigil na agarang itigil ang Coastal Road Project sisira sa natural na ganda at yaman ng aming baybayin.

Panawagan din kay Mayor Sharon Escoto na nagsalita sa UN Climate Change Conference (COP26), na tumindig para sa kalikasan at sa kabuhayan ng mamamayan ng Gubat!

At sa darating na eleksyon, panawagan natin na maghalal ng lider ng bayan ng Gubat na magtataguyod para sa kalikasan, lalo para sa mamamayan at kabuhayan sa Gubat, Sorsogon!

0 have signed. Let’s get to 500!
At 500 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!