Panawagan kay Presidente Duterte na gawing DENR Secretary si Edward Hagedorn

The Issue

Dear Mayor Digong,

Maligayang bati po sa inyong pagkapanalo. Sumusuporta po kami sa inyong mga programa at hangarin na magkaroon ng totoong pagbabago sa Pilipinas. Sana po ay maisip ng "selection committee" nyo na gawing DENR secretary si dating Mayor Edward Hagedorn ng Puerto Princesa, Palawan. Kung usapang pangkalikasan, si Mayor Ed po ang may pinakamagandang record o nagawa sa proteksyon ng kalikasan. Ang Palawan ang "last ecological frontier" ng Pilipinas. Kung hindi nanguna ang tulad ni Mayor Ed sa magagandang programa sa pangangalaga ng kalikasan sa Puerto Princesa ay baka wala na ang mga lugar na nakikilala sa buong mundo gaya ng Underground River. Ito rin ang dahilan kaya nahirang nang ilang beses ang Palawan bilang "best island in the world" ayon sa survey ng maraming dayuhang bisita. Maraming mga turista galing sa iba't ibang bansa ang napabilib sa natural na kagandahan ng Palawan. Sana ay mabigyan ng pagkakataon si Mayor Ed na maibahagi ang kanyang kakayahan para makatulong sa pagpapaganda at pagkakaroon ng totoong pagbabago sa bansa natin.

This petition had 617 supporters

Petition updates