Itigil ang seabed quarrying at ore mining sa ating karagatan

The Issue
Sa seabed quarrying, binubungkal ang ilalim ng dagat upang gamiting panambak sa mga reklamasyon sa baybayin ng dagat. Habang dumarami ang mga reklamasyon, nadadagdagan ang mga seabed quarrying at ore mining na nakasalang para ipatupad sa Limay in Bataan, Cavite, Tayabas Bay, Lingayen Gulf, Cagayan, at iba pang bahagi ng bansa. Maaaring umigting pa ito bunga ng paglalabas ng Executive Order (EO) 130 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 2021, na nagpapahintulot ng mga kasunduan para sa mga yamang mineral.
Malala ang epekto sa paligid ng dagat ng pagbubungkal ng mga yamang mineral at quarry materials sa ilalim ng tubig. Dekada ang aabutin bago maibalik ang nabulabog at pang-matagalan ang epektong dulot ng mga nasirang bahagi ng ating karagatan (Kaikkonen, et al. 2018). Ang pagmimina sa ilalim ng dagat ay nagdudulot ng nutrification, sedimentation at siltation na sumisira sa mga bahura at iba pang organismong sumasala ng dumi sa dagat at nakakaapekto sa photosynthesis ng mga organismo tulad ng phytoplankton (Miller, et al. 2018). Ang ingay mula sa mga aktibidad na ito ay may masama ring epekto sa mga balyena at lumba-lumba.
Walang laban ang mga bahura, damong dagat at iba pang ecosystems sa ilalim ng dagat na siya namang bumubuhay sa mga organismong naninirahan dito. Mapanganib rin ang hydraulic dredgers para sa mga organismo sa ilalim ng dagat dahil natatanggal ang mga ito mula sa seabed. Nagbabago ang natural na proseso ng sedimentasyon sa lugar, naiipon ito sa isang lugar na nakakaapekto sa mga organismo at maging sa natural na istruktura ng ilalim ng tubig.
Tinitiyak ng Saligang Batas ang karapatan ng bawat Pilipino sa isang malusog at masikhay na kapaligiran, at ang batayang pangangailangan at kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda. Ipinagbabawal ng Amended Fisheries Code ang anumang gawaing makakasira sa mga bahura, magdudulot ng polusyon sa katubigan at pagkasira sa mga nabubuhay at walang buhay na mga yamang dagat; panganib sa kalusugan ng mga tao; at balakid sa pangingisda at paglalayag. Bukod sa mga pambansang ahensya tulad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga lokal na pamahalaan ay inatasang pangangalagaan ang mga pangisdaan at iba pang yamang dagat, partikular sa loob ng municipal waters.
Malinaw ang agham at ang batas. Malawakan ang idudulot na pagkasira at pagkawala ng mga pangisdaan na pangunahing pinagmumulan ng kabuhayan at batayang pangangailangan ng mga maliliit na mangingisda dulot ng seabed quarrying at ore mining. Hindi pa kasama dito ang hindi na maibabalik na pinasalang dulot sa mga ekosistema sa karagatan na pinipilit nating iligtas at ayusin upang masalag ang epekto ng climate change. Ang mga paghihirap ng mga maliliit na mangingisda dulot ng mga reklamasyon at seabed quarrying ay pinalubha pa ng krisis na dulot ng pagbabago ng klima.
Ang panawagan natin sa pamahalaan ay unahin ang kalusugan at kaligtasan ng mga tao at kalikasan. Itigil ang mga mapanirang proyekto ng reklamasyon, seabed quarrying at ore mining bago mahuli ang lahat.

Petition Closed
Share this petition
The Decision Makers
Petition created on January 17, 2022