Petisyon laban sa Offshore Magnetite Mining sa Gulpo ng Lingayen

The Issue

Nagkakaisang Pahayag ng Mamamayan laban sa Offshore Magnetite Mining sa Gulpo ng Lingayen

Kami, mga mangingisda, mga manggagawa sa sektor ng pangisdaan at mga kaugnay sektor sa pangisdaan, mga shed-owners at mga negosyante na nakasalalay ang kabuhayan sa Gulpo ng Lingayen at mga kaugnay na ilog at anyong tubig;

Kami, mga residente ng mga apektadong barangay sa mga bayan ng Sual, Labrador, Lingayen, Binmaley, at lungsod ng Dagupan;

Kami, mga mamamayan ng Pangasinan, at mga mamamayan, organisasyon at institusyon na nakikiisa para mapangalagaan ang Gulpo ng Lingayen at ipagtanggol ang kalikasan —

Ipinapahayag sa petisyong ito ang aming nagkakaisang tinig ng mariing pagtutol sa “offshore magnetite mining” o pagmimina ng black sand na isasagawa ng Iron Ore, Gold, Vanadium Resources Phils. Inc. (IOGVRI) sa 9,252.4506 ektarya ng Gulpo ng Lingayen na sumasaklaw sa municipal waters o karagatan na nasasakupan ng mga bayan ng Sual, Labrador, Lingayen, Binmaley, at lungsod ng Dagupan, 2 hanggang apat na kilometro ang layo mula sa baybayin ng mga nasabing bayan.

Isasakatuparan ang planong pagmimina sa ilalim ng Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA No. 07-2020-I-OMR) na inaprubahan ng Office of the President noong ika-25 ng Nobyembre, 2020. May bisa ang FTAA ng dalawampu’t limang (25) taon, at maaaring mapalawig ng panibagong 25 taon. Inaasahan ng IOGVRI na aabot sa talumpu’t tatlong (33) taon ang itatagal ng pagmimina sa Gulpo.

Nakabatay ang aming mariing pagtutol sa nasabing pagmimina sa mga sumusunod na kadahilanan:

1.    Babaguhin at sisirain ng pagmimina ng magnetite o blacksand ang natural at heolohikal na katangian (geological features) ng Gulpo ng Lingayen.

a.    Ang pagmimina ng blacksand sa seabed o kalupaan sa ilalim ng Gulpo ng Lingayen ay gagambala at magbabago sa pisikal na katangian ng seabed ng Gulpo.

Ayon sa mga mangingisda at sa mga pag-aaral ng mga eksperto gaya ni Dr. Fernando Siringan, geologist at academician sa National Academy of Science and Technology (NAST), binubuo ng putik o silt at sediment particles ang seabed ng Gulpo partikular sa bahagi na planong minahin. Sa mga pag-aaral ding ito ipinakita na aabot ng 20 hanggang 40 metro ang kapal ng putik at silt bago ang miminahing blacksand.

Mas malalim pa ito sa sinasabing huhukaying putik ng IOGVRI na 10 metro para higupin ang buhangin sa ilalim gamit ang Trailer Suction Hopper Dredger at paghihiwalay ng magnetite o blacksand gamit ang gravity at magnetic separator mula sa isang barko.

Sa prosesong ito ng pagmimina, mabubulabog ang seabed ng Gulpo — kakalat ang mga pinong materyales at putik na magdudulot ng paglabo ng tubig-dagat. Bukod sa putik at silt na ihihiwalay, ibabalik diumano ng project proponent sa ilalim ng dagat ang buhangin na pinagkuhanan ng magnetite, na magdadagdag din ng lalong paglabo ng tubig-dagat bunga na rin ng dinamikong katangian ng dagat dahil sa alon at agos (undercurrent).

b.    Makakapagdulot ng coastal erosion o pagguho ng lupa sa mga baybayin ang paghuhukay sa seabed at pagmimina ng blacksand sa ilalim nito (2 hanggang 4 na kilometro ang layo mula baybayin). Ang magnetite o blacksand din ang nagsisilbing magnet na nagbibigkis sa mga buhangin at kalupaan sa baybayin at kalupaan sa ilalim ng dagat para hindi mabilis na gumuho o agusin.

c.     Maapektuhan ng pagbabago ng katangian ng seabed bunga ng paghuhukay at pagmimina ang lakas at direksyon ng mga alon at alulos (undersea current). Mas magiging bulnerable sa mga malalakas na daluyong (storm surge) ang mga komunidad sa baybayin lalo na sa panahon ng mga bagyo at taeb/etab (hightide).

2.    Maapektuhan ng pagkabulabog ng pisikal at heolohikal na katangian ng Gulpo ng Lingayen dahil sa pagmimina ang ekosistema at ekolohikal na balanse (ecological balance) nito.

a.    Sa pagkabulabog ng mga materyales gaya ng putik at silt, mabubulabog at mapapakawalan din sa karagatan ang iba’t ibang maaaring mapanganib na elemento at sangkap gaya ng tingga (lead), polychlorinated biphenyl (pcb), mga naimbak na lason mula sa mine tailings (latak ng pagmimina) at iba pang materyales na matagal nang nadeposito at lumangkap sa putik at silt sa kailaliman ng dagat.

b.    Maaaring makain ng mga organismo sa dagat na kalauna’y makakain rin ng mga tao ang mga mapanganib na elemento, sangkap, at mga toxins o lason na ito na na magdudulot ng ng cancer, depormidad ng mga ipinagbubuntis, at iba pang sakit.

c.     Sa pagkalat at pagkabulabog din ng seabed napapakawalan ang mga tinaguriang mapanganib na algal bloom cysts (binhi ng mikroskopyong uri ng lumot) na makakapagdulot ng “harmful algal blooms” (HAB) o mabilis na paglaganap ng nasabing tipo ng lumot at makapagpapababa sa lebel ng oxygen at magresulta sa paggataw ng mga isda (fishkill) at pagkamatay ng iba pang organismo.

d.    Mabubulabog na muli ang mga organikong materyal (mula sa dumi o sa mga labi ng mga organismo—halaman o hayop) na tinangay na ng mga ilog at agos, nadeposito na sa kailaliman ng dagat, naagnas at nabubulok na. Bunga nito, mapapakawalan ang mga gas gaya ng mga ammonia at greenhouse gases (GHGs) gaya ng carbon dioxide (CO2) at methane, at mga trace metals na nakalalason sa mga organismo kapag umabot sa labis na kantidad.

e.    Ang modipikasyon o pagbabago sa tirahan ng mga organismo sa sea floor o ilalim ng dagat (benthic habitat), at samakatwid ng kabuuang ekosistema ng Gulpo. Maiistorbo at maaring mamatay ang mga organismong nanahan sa ilalim ng dagat gaya ng planktons, alamang (acetes japonicus), talaba, kabibi, balat (sea cucumbers) at iba pang organismo maging sa iba pang bahagi ng Gulpo.

f.      Ang lahat ng bagay ay magkaugnay. Ang mga maapektuhang benthic organisms mula sa pagmimina ay makakaapekto sa iba pang organismo at sa saribuhay (biodiversity) at pangkalahatang ekosistema ng Gulpo ng Lingayen. Ayon sa ilang pag-aaral hindi na bumabalik ang mga organismo at lumiliit ang saribuhay sa mga lugar na may reklamasyon kahit pagkaraan ng labinlimang (15) taon. Tinatayang aabot ng 25 hanggang 33 taon ang magnetite mining ng project proponent.

Makakaapekto rin ang mga kakalat na pinong materyales sa mga corals, seagrass, at seaweeds lalo na sa mga key biodiversity areas (KBA) at National Integrated Protected Areas (NIPAs) gaya ng Bolinao Peninsula KBA/Bolinao-Anda reef complex, Hundred Islands National Park, Agoo-Damortis Protected Landscape & Seascape, at mga marine protected areas (MPAs). Kasama na sa maapektuhan ang ekosistema sa mga baybayin, tabsing at mga bakawan na tirahan ng iba’t ibang organismo gaya ng mga pawikan, mga ibon, at isda.

3.    Magdudulot ang iba pang proseso ng pagmimina gaya ng operasyon ng mga barko o sasakyang-pandagat, mga makina at iba pang kagamitan ng iba pang problemang pangkalikasan.

a.    Polusyon mula sa maaaring pagtagas ng langis mula sa mga sasakyang-pandagat at iba pang kagamitan.

b.    Polusyon ng hangin mula sa pagbuga ng carbon dioxide (CO2), sulfur dioxide (SO2), at nitrogen dioxide (NO2).

c.     Pagkabulabog o noise pollution mula sa mga sasakyan-pandagat, makinarya at mga kagamitan.

d.    Pagsisikip ng trapikong-pandagat na makakaapekto sa mga nilalang sa dagat at sa mga pangisdaan ng mga mangingisda.

4.    Magdudulot ang pagmimina ng pagkasira ng pangisdaan at ng pagkasira ng tanawin na magreresulta sa dislokasyon o pagkawala ng kabuhayan ng mga mangingisda at sa sektor ng pangisdaan, at sa sektor ng turismo.

a.    Mayor na pangisdaan sa bansa ang Gulpo ng Lingayen. Direktang maapektuhan ng mga naunang nabanggit na epekto ng pagmimina sa heolohikal na katangian ng Gulpo at sa ekosistema kung saan bahagi ang pangisdaan. Noong 2019 lamang, ang umaabot ang kabuuang produksyon ng komersyal at munisipal na pangisdaan sa 16,280 metrikong tonelada na may halagang P1.792 bilyon sa Pangasinan at 3,602 metrikong tonelada na may halagang P458 milyon sa La Union.

Ang industriya ng aquaculture partikular ang pagbabangus na nakasalalay sa Gulpo at sa tubig tabsing (brackish water) na may produksyong umaabot sa 58,273 metrikong tonelada noong 2019 para sa Pangasinan at La Union, at halagang P 6.765 bilyon.

Ayon sa Philippines Statistics Authority, mayroong humigit-kumulang 1.2 milyong mamamayan ang naninirahan sa mga bayan at lungsod sa baybayin ng Gulpo ng Lingayen. Noong 2020 ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) may umaabot sa 47,35 na indibdwal ang rehistradong nasa industriya ng pangisdaan at kaugnay na sektor sa Pangasinan at La Union.

b.    Kilala ang bayan ng Pangasinan dahil na rin sa produktong Lingayen bagoong mula sa monamon (Encrasicholina species) at padas (Siganus species) dahil sa mayamang kapaligiran ng Gulpo. Sa pagdaan ng panahon, halos bumaba na ang huling monamon at padas bunga ng mga iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.

Lalong magdudulot ang offshore mining ng pagbaba o maging ng tuluyang paglaho ng mga monamon at padas, mga sangkap sa Lingayen bagoong na matagal na nagpakita ng pagkakakilanlan ng probinsya sa loob at labas ng bansa.

c.     Ang paghuhuli ng alamang (acetes japonicus) ang isang malaking pinagkakakitaan ng mahihirap at panggitnang mangingisda sa loob ng 6 na buwan kada taon. Nananahan at lumalapit ang alamang sa kanilang kapanahunan 2 hanggang 3 kilometro mula sa baybayin katumbas lamang ng lugar ng pagmiminahan (2 hanggang 4 na kilometro mula sa baybayin) kaya direktang maapektuhan ang kabuhayan ng mga nanghuhuli ng alamang. Mangangahulugan lamang ito na sa buong isang taon mawawalan ng kabuhayan ang mga mangingisda.

Sa ganitong mga kadahilanan, nananawagan kami sa mga kinauukulan mula sa mga Konseho ng Barangay ng mga apektadong lugar, sa mga lokal na pamahalaan sa antas munisipyo at lungsod, sa Pamahalaang Probinsyal ng Pangasinan, sa mga ahensya ng gobyerno lalo na ng Department of Environment and Natural Resources, at sa mga kinatawan sa Kongreso at Senado na:

1.    Huwag pahintulutan at ipahinto ang planong ang offshore magnetite mining ng Iron Ore, Gold, Vanadium Resources (Phils.) Inc.

2.    Gayundin ang ilan pang nakaambang pagmimina hindi lamang sa karagatan ng Gulpo ng Lingayen, sa mga baybayin nito at kaugnay na kailugan gaya ng Financial or Technical Assistance Agreement ng Altamina Exploration Resources, Inc. sa baybayin (9,588 ektarya), Exploration Permit ng Collosal Mining Corporation sa karagatan (5,255.66 ektarya) at sa kabuuang humigit-kumulang 67,000 ektaryang pagmimina sa karagatan at baybayin ng Gulpo, at mga kaugnay na ilog.

3.    Ibasura ang Executive Order 130 ni Pangulong Duterte na nagpapahintulot sa mga bagong pagmimina.

4.    Ibasura o repasuhin ang puno’t dulo ng paulit-ulit na banta ng pagmimina sa baybayin at karagatan ng Gulpo ng Lingayen bagamat pauli-ulit at mariin ang pagtutol dito ng mamamayang Pangasinense — ang Philippine Mining Act of 1995 o Republic Act 7942.

Bilang pakikiisa sa mga panawagang ito, nilalagdaan namin ang petisyon.

296

Petition updates