PhP10,000 Calamity Assistance para sa mga OFW at pamilya na nasalanta ng bagyo, ngayon na!

The Issue
Pagpasok ng Nobyembre, sunod-sunod na bagyo ang sumira sa kabuhayan naming mga OFW at pamilya, kasabay ng pandemya. Tinatayang nasa 452,360 indibidwal o 827,260 na pamilya sa walong rehiyon ang matinding naapektuhan sa pagdating ng mga bagyong Quinta, Rolly, Siony, Tonyo at Ulysses. Nananatiling nasa 223,378 indibidwal o 55,921 pamilya ang hindi pa makaalis sa mga evacuation center at hindi pa makabalik sa kanilang mga tirahan. Kabilang dito kaming mga OFW at aming pamilya sa Pilipinas.
Marami sa amin ang mga biglaang umuwi sa Pilipinas dahil nawalan ng trabaho sa ibang bansa dala ng pandemya. Malaking bilang sa amin ang lubusang nawasak ang mga tirahan at kabuhayan dala ng mga nagdaang bagyo. Kinakaharap namin ngayon ang pagsubok ng muling pagbangon dahil sa idinulot ng pandemya at kalamidad.
Sa maraming taon na inilaan namin at ng aming kapamilya sa pagtatrabaho sa ibang bayan, bilyon ang kinita ng gobyerno mula sa aming remittances. Ngunit pagdating pa lamang ng pandemya, limitado na ang tulong na natanggap namin mula sa Abot-Kamay ang Pagtulong na proyekto ng Department of Labor and Employment, at hindi naman kami kwalipikado sa Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development.
Hindi lingid sa amin ang pakinabang ng pamahalaan mula sa aming mga remittances kapalit ng sakripisyo namin sa ibang bansa. Sa tindi ng pandaigdigang krisis dulot ng pandemya, at sa malawakang pananalasa ng mga nagdaang bagyo, marapat lamang na kaming mga bagong bayani ay makatanggap ng tulong mula sa gobyerno sa ganitong panahon ng lubos na pangangailangan.
Kaming mga bagong bayani ay nananawagan sa pamahalaan, partikular sa Overseas Workers Welfare Administration, na kagyat na magbigay ng PhP10, 000 bilang calamity assistance sa mga OFW at pamilya na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Petition Closed
Share this petition
The Decision Makers
Petition created on November 28, 2020