No Farmers, No Future: Bigyan ng Dignidad at Sapat na Kita ang Magsasakang Pilipino

The Issue

Ang Pilipinas ay kasalukuyang nahaharap sa isang "silent crisis" na mas malalim pa sa mataas na presyo ng bigas at asukal, ito ay ang mabilis na pagkaubos ng ating mga magsasaka. Habang ang bansa ay patuloy na umaasa sa agrikultura para sa kabuhayan ng milyun-milyong mamamayan, ang mga taong nagpapakain sa atin ay unti-unti nang nawawala sa mga bukid. Ayon sa datos mula sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS) at SEARCA (2024-2025), ang average na edad ng mga magsasakang Pilipino ay nasa 56 hanggang 59 na taong gulang. Ang nakababahalang katotohanan, sa loob lamang ng susunod na sampung taon, ang ating bansa ay maaaring humarap sa isang "critical shortage" ng mga magsasaka kung hindi tayo agad kikilos.

Itong isyung ito ay hindi lamang problema pagdating sa mga bukirin; ito ay malala at isang direktang banta sa bawat hapag-kainan ng pamilyang Pilipino. Sa kasalukuyan, ang ating labor force share sa agrikultura ay bumagsak na sa 20.9% nitong Hunyo 2025, mula sa mas mataas na porsyento noong mga nakaraang taon. Ang matinding pagtaas ng production cost, mula ₱65,000 noong 2023 patungong ₱75,000 bawat ektarya nitong 2024, ay siya ring nagbabaon sa ating mga magsasaka sa utang sa halip na pag-unlad. Dahil dito, maraming kabataan ang mas pinipiling makipagsapalaran sa mga siyudad o kaya naman ay sa ibang bansa kaysa manatili sa bukid na tinitingnan bilang simbolo ng kahirapan at kawalan ng pag-asa.

Hindi natin maaaring hayaan na maging "import-dependent" na lamang ang Pilipinas habang ang ating mga lupain ay napapabayaan o nagiging semento na lamang ng mga subdivision. Ang pagtanda ng ating mga magsasaka ay nangangahulugan din ng mababang produktibidad dahil sa kawalan ng access sa modernong teknolohiya at pisikal na limitasyon ng ating mga senior farmers. Kung mawawala ang henerasyong ito nang walang papalit, mawawala rin ang ating food sovereignty, ang kakayahan nating pakainin ang ating sariling mamamayan nang hindi dumidepende sa takbo ng pandaigdigang merkado.

Kaya naman, kami ay nananawagan sa Department of Agriculture (DA) at sa Kongreso ng Pilipinas na iprayoridad ang sumusunod: (1) Pagpasa ng isang komprehensibong Farmers' Pension Fund upang masiguro ang marangal na pagtanda ng ating mga bayani sa bukid; (2) Pagbibigay ng sapat na Capital and Tech Incentives para sa mga kabataang "agri-preneurs" upang gawing moderno at kumikita ang pagsasaka; at (3) Ang agarang pagpapalakas ng Young Farmers Challenge (YFC) upang maging isang nationwide permanent movement at hindi lamang pakitang-tao. Panahon na upang muling hubugin at gawing marangal ang pagsasaka, bago pa huli ang lahat at tuluyan nang mawalan ng laman ang ating mga plato.

2

Petition Updates