Approve the Certificate of Candidacy of SK Candidates who are already 24 years old

0 have signed. Let’s get to 200!


The Barangay and Sangguniang Kabataan Elections is occuring in a few days. Kasama dito ang napapanahong filing ng Certificate of Candidacy ng Kabataang lalahok sa SK Elections 2018.

Sa ngayon, mariing pinagpipilitan, ng National Youth Commission at ng COMELEC na ang mga makatatakbo sa SK ay "at least 18 years but not more than 24 years of age on the day of Elections", sang-ayon sa Section 10 ng Republic Act 10742 o mas kilala sa SK Reform Act. Kaugnay nito, pinapakahulugan nila na ang "more than 24 years" ay kung lumagpas ka ng buwan sa itinakda, meaning dapat 24 years, 0 months and 0 years old ka sa May 14, dahil daw ayon sa Section 31 ng Executive Order 292, at sa section 13 ng Republic Act 386:

Legal Periods. - "Year" shall be understood to be twelve calendar months; "month" of thirty days, unless it refers to a specific calendar month in which case it shall be computed according to the number of days the specific month contains; "day," to a day of twenty-four hours; and "night," from sunset to sunrise, at nangangahulugan daw ito na ang edad ng mga nag 24 na bago ang May 14 Elections ay isang uri ng ineligibility.

Bukod dito, ginagamit ng COMELEC ang kaso ni Garvida at Sales, G.R. No. 124893. April 18, 1997, na natanggal sa posisyon bilang SK Chairman dahil lumagpas na ang kanyang edad sa itinakda ng Local Government Code Section 428. Tinutukoy ng Local Government Code na ang edad ay at least 15 at hindi hihigit sa 21 taong gulang.

Sa paggawa ko ng petition na ito, mayroong halos 180,000 pa lang na Certificates ang na-file para sa halos 300,000 na posisyon na inaasahan sa SK.

Ayon sa SK Reform Law, Section 36, kasama ang Section 428 sa ire-repeal ng batas kung may inconsistencies. Ibig sabihin nito, hindi na epektibo ang kaso ni Garvida vs. Sales sa estado ng 2018 SK Elections.

Isa pa, ang tinatanong lamang sa Certificate of Candidacy para sa SK Chairperson at SK Kagawad ay ang edad o age in YEARS. Malinaw dito na di kasama ang sobrang edad sa buwan. Kaya kung gagamitin natin ang Civil at Administrative Code, kapag sinabing taon ay taon lang. At dahil di naman tinatanong sa COC ang edad sa buwan, ibig sabihin kung di ka pa 25 years old ay hindi ka "...more than 24 years of age on the day of elections."

Iaapela natin sa National Youth Commission at sa COMELEC na dapat aprubahan nila ang edad ng mga umabot na sa 24, dahil ang tinatanong lamang sa COC ay ang edad sa taon, at hindi na effective ang Garvida vs. Sales na kaso ngayon.

Additionally, hihingi din tayo ng extra 1 day filing kung sakaling payagan ang ating kahilingan.

Sa paisa-isang pagpirma sa petition natin, makakamit din natin ang ating tagumpay. Kaya please, sign and share this petition!



Today: Kremlin is counting on you

Kremlin Pandaan needs your help with “National Youth Commission: Approve the Certificate of Candidacy of SK Candidates who are already 24 years old”. Join Kremlin and 170 supporters today.