Transparency of public information during Covid19 pandemic situation...

The Issue

Eladio Magampon, MD
Punong Bayan, Alaminos, Laguna

Kgg. na mayor Adio,

Kaming mga mamamayan ng Alaminos, Laguna, ay nagsama-sama sa Online Petition na ito upang opisyal na iparating ang aming mga hinaing at kahilingan.

Sa dahilang naka-Enhanced Community Quarantine po ngayon at hindi po namin magawang magpa-ikot ng Petisyon sa papel na aming pipirmahan, minarapat po naming "pumirma" dito gamit ang aming FB accounts. Kung kinakailangan po, kami ay pumapayag na kontakin sa pamagitan ng FB accounts namin sa para aming mga online salaysay.

Nakikita po namin ang mga post ng pagdating ng bigas sa munisipyo subalit nagtataka po kami kung bakit merong hindi nakakatanggap ng ayuda. Meron pong nababalitang mga patakaran at programa sa nasyunal pero wala pong regular na official advisory sa bayan ng Alaminos. Ganun din ay nababalitaan namin na magtatayo ng quarantine facility pero wala namang paunang pasabi.

Ang amin pong petisyon:

1. Isapubliko ang kopya ng ating Alaminos Municipal Covid Action Plan na magbibigay ng linaw sa mga gawain sa iba't-ibang usapin ng budget, ayuda, quarantine, food supplies, kabuhayan, atbp.

2. Magkaroon ng araw-araw na regular na online briefing sa isang takdang oras para sa mga Covid updates na maglalaman ng:
2.1 kalagayan ng Covid sa Alaminos;
2.2 report sa ayuda, ano at magkano ang dumating sa LGU at barangay at ilan at lista ng mga natulungan
2.3 kalagayan ng mga programang pangkabuhayan, kung mayroon man, katulad ng distribution ng mga pananim
2.4 report hinggil sa mga reklamong natanggap at aksyong ginawa para matugunan ang mga reklamo

3. Magtakda ng regular online dialogue at online helpdesk / complaints desk kung saan maaring dumulog at magtanong ang mga mamamayan. Dapat na ito ay transparent at makikita rin ng iba nang sa ganun ay ang mga may kaparehas na usapin ay mabigyan din ng gabay.

4. Ipaalam ang nag-iibang kalagayan at hamon sa pagpapatupad ng Covid action plan at anong tulong ang kakailanganin sa mula sa mamamayan at sa mga NGO sa Alaminos.

5. Isapubliko ang mga pagpupulong sa IACTF ng Alaminos at imbitahan ang civil society na umupo dito.

Umaasa po kami na tutugunan ng ating mga namumuno ang Petisyong ito.

Magbibigay po kami ng kopya via email sa DILG at sa DSWD.

This petition had 1,449 supporters

The Decision Makers

Mayor Eladio Magampon
Mayor Eladio Magampon
Municipal Mayor

Petition Updates