Sama-samang Kilos ng Mamamayan, PEDERALISMO, Ngayon Na!

This petition had 1,421 supporters

The Issue

          Bago pa man dumating ang Demokrasya sa ating bansa, tayo ay pinamamahalaan ng hindi nasusulat na saligang batas. Tayo ay binubuo ng maraming estado na may kanya kanyang kultura at tradisyon na iginagalang ng bawat isa. Ang pamamahala  ay nakabatay sa paniniwala na ang tao ay kailangang makipamuhay sa isa't isa upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan at tiyakin ng mga namumuno na walang nagugutom at ligtas ang lahat sa anomang kapahamakan. Bawat estado na mapayapang pederal sa lahat ng larangan ng pamamahala ay nagkakaisa sa pagtatanggol laban sa mga mananakop.  Ang bansa na binubuo ng 7,107 na pulo na mapayapa at maunlad, alinsunod sa Bayanihang kaisipan ng kapatiran, paggalang at pagkakaisa sa pagtugon sa mga suliraning nakapipinsala sa kapayapaan, ay isinusulong nating muling ibalik ang pederalismo sa makabagong  lipunan na may maharlikang pinagmulan.

           Kung kaya't tayo, ang People’s National Coalition for Revolutionary Government towards Federalism, ay naniniwala sa adhikain na sa Pederalismo, ang lahat ng Regions o Federal States ay magkakaroon ng kanya - kanyang  pagkakataong umunlad dulot ng makatarungang pagbabahagi ng salapi at yaman ng bansa na magbubunga ng  mabilis na daloy ng sapat na paglilingkod at kapakinabangan para sa mga mamamayan.

            Ang magpalit ng liderato ay paulit-ulit nating ginagawa, alin man sa pamamagitan ng halalan, Impeachment, o anumang kaparaanan, subalit ang magpalit ng pamamaraan o sistema ng pamahalaan, kahit minsan ay hindi pa natin ginawa, kaya maging bahagi tayo ng napakahalagang kasaysayan.

            Ang pagiging Pederal na Bansa ay pagbabahagi ng kapangyarihan ng Executive, Legislative, at Judiciary sa pagpapasya at pananalapi. Marahil ay ito na ang ating huling pagkakataon, dahil ngayon lang tayo nagkaroon ng pinuno, sa katauhan ni Mayor Rodrigo Roa Duterte, na nakahandang ibahagi ang nasabing kapangyarihan sa pagpapasya at pananalapi mula sa National Government tungo sa mga rehiyon o estado bago pa man magpasya na tumakbo at manungkulan bilang Pangulo.

          Kasama ng ating kahilingan na pamunuan ng Pangulong Duterte at ng mga nahalal sa pamahalaan at kasalukuyang mambabatas, gayundin ng Hudikatura, ang Transition Government hanggang sa matapos ang kanilang termino sa Hunyo 30, 2022.

          Dahil dito, ang lahat ng mga mamamayan ay hinihimok na lumagda, makiisa at makipagtulungan sa isinusulong ng Koalisyon na pagbabago tungo sa pagiging Bansang PEDERAL upang patuloy na matugonan at wakasan ang suliranin ng BAWAL NA GAMOT, KATIWALIAN, KRIMINALIDAD, INSURHENSIYA, AT KAHIRAPAN.

Maraming Salamat po.

The Decision Makers

Mamamayang Pilipino
Mamamayang Pilipino

Petition Updates