Letter addressed to the Iglesia ni Cristo to bring about change in the City of Baguio

The Issue

Mr. Eduardo V. Manalo at ang Pamunuan ng Iglesia ni Cristo sa lungsod ng Baguio,

Kami po ay mga mamamayan at mga nagmamahal ng siyudad ng Baguio.  Ang aming napakagandang lungsod ay tinagurian pong Summer Capital of the Philippines dahil po sa aming malamig na klima, malinis na kapaligiran, sariwang ihip ng hangin, mga bundok na hitik sa mga dilaw na Sun Flowers tuwing tag araw at berdeng mga puno .  Ang Baguio po ay isang luntian na lungsod kung saan sagana at napapaligiran po kami ng mga Benguet Pine Trees na siyang nagbibigay ng buhay sa lahat.

Ngunit, sa kasalukuyan, ay tila hindi na po ito ang aming nararanasan sa Baguio. 

Ang dating sariwang hangin na nalalanghap ay naging usok na po ng libo libong sasakyan na umiikot sa palibot ng Baguio. 

Ang mga bundok ay tuluyan na pong nakalbo at napatayuan ng daan daang libo po ng mga kabahayan at mga kalsada. 

Ang aming tubig ay halos hindi na po mapunan ang pangangailangan naming lahat. 

Ang mga punong kahoy ay unti unti na pong nauubos sa walang pakundangang pamumutol.

Ang lahat ng ito po ay siyang kapalit ng pag unlad sa dumaang napakaraming taon. 

Ang aming matinding pagnanasa po sa kasalukuyan ay ang mapanatili (kung hindi man po maibalik ang dating kalagayan) ang naiiwan pa hong luntiang Baguio na aming nakagisnan at naranasan.  Ito po ay para po sa ating mga anak at ang susunod na henerasyon ng mga maninirahan po dito… na sana po ay kanila ring maranasan ang walang katulad na ligayang hatid ng kalikasan na inaabuso po ngayon upang wala ng maiwan.

Sa amin pong munting palagay, ang napakahalagang pangangailangan po ng aming lungsod ngayon ay ang ma preserba at may maiwan pa hong sariwang hangin, maayos na kapaligiran, umaagos na malinis na tubig at ang naturang pagkakakilanlan ng Baguio bilang Summer Capital of the Philippines, ang may maiwan pang Pine Trees.

Ngunit tila hindi po ito ang ninanais ng aming mga nabobotohang mga liderato ng Baguio, kundi taliwas po.  Ang pokus po nila ay ang pag unlad.  Ang kaunlaran po sa panahong ito ay tila hindi na po maaaring i-balanse sa pag preserba ng kalikasan, kung kaya’t ang isang liderato ay kailangang mamili kung alin ang mas matimbang na daang kanyang tatahakin, at hindi po ang daan tungo sa kalikasan ang kanilang tinatahak, kundi ang sementadong daan.

Hindi po nagtutugma ang nais ng mga mamamayan ng Baguio sa nais ng aming mga nabobotohan pong mga liderato sa nakaraang mga nakalipas na eleksiyon.  Halimbawa po nito ay ang walang pakundangang pagputol ng mga punong kahoy sa isa pong watershed ng inihalal sa kongreso na si Cong. Nicasio Aliping.  Hindi po maituturing na isang alegasyon lamang po ito dahil nakapag issue na po ang Court of Appeals at Supreme Court ng kanila pong Resolusyon ukol sa Writ of Kalikasan na naisampa laban sa kanya, at uumpisahan na rin pong dinggin ang kanyang criminal na pananagutan sa Sandiganbayan. At ang patuloy tuloy na kaunlaran daw po para sa lungsod ang nais naman ng halos tatlong dekada na pong nakaupong Meyor na si Mayor Mauricio Domogan.

Kaya’t kami po ay dumudulog sa inyong liderato po ngayon.  Ang inyo pong kustomaryong pag bloc voting tuwing eleksiyon ay napakahalaga po sa amin, hindi lamang po ngayong darating na eleksiyon kundi noong mga nakaraan at sa darating pa.  Nasa inyong mga kamay po ang tunay na PAGBABAGO na aming inaasam asam at ipinaglalaban sa napakaraming taon.  Ito po ay hindi para sa aming kapakanan kundi para po sa kinabukasan ng ating mga anak, ng mga kabataan at ng susunod pa hong napakaraming henerasyon. 

Umaasa po kaming itong darating na nalalapit na eleksiyon, ay maihandog niyo po sa ating mahal na lungsod ng Baguio ang kanyang mga luntiang bundok na ninakaw po sa kanya, ang mga malilinis na ilog na dating umaagos sa kanyang kapaligiran, ang sariwang hangin na bumabalot sa kanya at ang kanyang mga puno na nagbibigay buhay po sa atin na kanyang mga anak….

Gumagalang:

avatar of the starter
CitizenPetition Starter
This petition had 107 supporters

The Decision Makers

iglesia ni cristo
iglesia ni cristo

Petition Updates