#AcademicBreakNowLCCM

This petition had 1,887 supporters

The Issue

WALANG MAPAG-IIWANAN! UNITAS, CARITAS, VERITAS!

Sa pag-daan ng Bagyong Rolly at Ulysses na naghatid sa aming mga kapwa mag-aaral ng kapahamakan, pag-aalala at kawalan ng mga pangangailangan, mas nararapat nating paigtigin at gawin ang isa sa mga aral ng ating eskwelahan tulad ng pag-unawa o pag-intindi sa sitwasyon at kinakaharap ng iba.

Kaya naman hinihiling namin na kami ay mapansin at mapakinggan ng nakatataas at administrasyon ng La Consolacion College Manila na magbigay at magkaroon ng ISANG LINGGONG ACADEMIC BREAK upang magbigay daan sa mga mag-aaral, mga propesor at iba pang empleyado ng kolehiyo, lubos mang naapektuhan ng nasabing sakuna o hindi. Alinsunod sa aming kahilingan ang pag-suspinde sa mga gawaing pang-akademiko (synchronous at asynchronous) hanggang sa pagbabalik sa klase matapos ang isang linggong Academic Break.

Tunay naming pinahahalagahan ang edukasyon ngunit dapat din nating isaalang-alang na sa panahong ito, hindi lahat ay nakabangon na at nasa maayos nang kalagayan. Marami rin sa atin ang nakakaramdam na ng pisikal, mental at emosyonal na pagka-pagod. Kaya't hindi rin lahat nang mag-aaral ay handa nang bumalik at gawin ang mga gawaing sa amin ay ibinigay, dagdag na ng mahinang koneksyon sa internet at kawalan ng kuryente sa iilan pang mga lugar.

Walang sinuman ang maiiwan, sabay-sabay tayo LCCians!

#AcademicBreakNowLCCM

The Decision Makers

La Consolacion College Manila
La Consolacion College Manila

Petition Updates

Share this petition

Petition created on November 15, 2020