#JunkTerrorBill

#JunkTerrorBill

The Issue

Kaming mga Rizaleño ay nagkakaisa sa panawagang ibasura ang Anti-Terror Bill!

Sang-ayon po kami sa pagpuksa ng terorismo sa bansa para sa kapayapaan at kaligtasan ng bawat Pilipino. Ganunpaman, kami ay mariin na tumututol sa pag-abuso ng kapangyarihang maaring idulot ng ilang probisyon ng Anti-Terror Bill. Nananawagan kami sa opisina ng butihing kinatawan ng ikalawang distrito ng Rizal na si Rep. Fidel Nograles, na inyong pakinggan ang boses ng lalawigan mula sa sektor ng kabataan, lakas-paggawa, estudyante, at iba pa. Inyo po sanang bawiin ang pagsuporta sa Anti-Terror Bill at makiisa sa panawagang idaan ang Bill na ito sa mas malalim na pagsusuri.

Dagdag pa rito, hindi ito ang panahon para madaliin ang ganitong uri ng panukala. Sa gitna ng pandemya, mayroong mga bagay tulad ng kalusugan, transportasyon, trabaho, at edukasyon na higit na humihingi ng atensyon mula sa mga mambabatas.

Naniniwala kaming naisapuso ni Rep. Nograles ang pag-alaga sa kapakanan ng mga mamamayan ng ating probinsya, at kanyang mapakikinggan ang panawagang ito.

#KilosRizaleño #IisangRizaleño

#ActivismIsNotTerrorism #JunkTerrorBill

This petition had 89 supporters

The Decision Makers

Rep. Felipe Nograles
Rep. Felipe Nograles

Petition Updates

Share this petition

Petition created on June 9, 2020