Ipagbawal ang Pagpapahiya ng mga Guro sa Estudyante

Ipagbawal ang Pagpapahiya ng mga Guro sa Estudyante
Why this petition matters

Bilang isang guro kung gusto mong tulungan ang mga estudyante mo huwag mong ipapahiya .Dahil kung marangal kang guro hinding hindi mo sila ipapahiya dahil may sari sarili ding karamadaman ang mga mag aaral.At kung may ginawa man ang mga studyante mong hindi mo gusto, hindi rason iyon para lamang ipahiya mo sila.Maraming paraan ang pagdisiplina ng mga guro sa mag aaral gaya ng pag usap ng maayos o masinsinan hindi yung ipahiya mo na lamang sa mga kaklase niya.Kaya sana naman intindihin at unawaan natin minsan ang mga kalagayan ng mga bawat mag aaral.At alam naming mga mag aaral na meron ding pagkakamali minsan pero huwag niyo naman sana kami pagbuntunan ng galit niyo sa amin at dapat turuan niyo kami ng tama upang sa ganun maturuan kami ng leksyon,kung pagpapahiya kasi mas lalo kaming nasasaktan kaya nga tinawag ang mga guro na ikalawang magulang para maituro ng maayos.Meron din kasing sadyang mainitin ang ulo,tamad magturo,pasulat ng pasulat ng mahaba hanggang matapos ang oras nila at higit sa lahat ang pamamahiya ng guro sa kaniyang estudyante ng walang dahilan minsan dahil na siguro sa mainit ang ulo ng guro kaya sila nagpapahiya...At ang halimbawa ng pagpapahiya ay kapag ang isang estudyante ay hindi nakasagot sa klase at kapag malate sa klase ay minsan dapat tinatanong ka nalang kung bakit,pero hindi kasi pinapahiya ka pa sa buong klase .Mas masakit pa kapag hindi mo masagot ang tanung at kung hindi mo alam ang isasagot mo ,imbis dapat na intindihin ka sinasabihan kapa ng masasakit na salita , hindi ka nakikinig .May mga ibang estudyante na hindi nila naiintindihan ang tanong kaya hindi sila makasagot .Halimbawa nalang sa ibang subject minsan din kasi may bigla biglang itatanung ang iyong teacher sayo pero hindi kapa handa kaya naman minsan hindi sila makapag isip.At lalo na kapag alam mo na yung sagot at bigla kang tinawagan tapos sa pagkabigla mo nawala na yung isasagot mo at doon na siguro sila nagagalit at minsan meron yung time na nakakapagsalitana ng mga masasama sa estudyante