SOS Help US Save Sariaya Ancestral Houses from DPWH Road Widening projects

Petition Closed

SOS Help US Save Sariaya Ancestral Houses from DPWH Road Widening projects

This petition had 935 supporters
Sariaya Heritage Council Inc started this petition to HUILLIO B. BELLEZA (DPWH Region IV-A) and

Kung matutuloy ang road widening project ng DPWH sa mismong bayan ng Sariaya, Quezon, hindi lang ito makakasira sa kaanyuan ng patyo ng simbahan, munisipyo, parke at mga pamanang gusali na siyang nagbibigay ng kakaibang karakter sa bayan namin, kundi makakasira din iyon sa napakaraming mga pribadong ari-arian, establisamento, at negosyo ng mga mamamayan sa magkabilang lugar ng kalye mayor (General Luna Street).

Bagkus, mawawala ang mga sidewalks na siyang dinadaanan ng mga tao o pedestrian na nagyayaot - doon at dito sa pang araw-araw nilang buhay. Malalagay tuloy sa panganib ang buhay nila lalo't higit ay ang mga residenteng nakatira sa magkabilang panig ng kalye General Luna. 

Isa pa ay lalong lalala ang polusyon, gulo, kalat at karumihan sa gitna ng bayan, bukod pa sa ang pagpapalawak ng kalsada ay hindi kailanman naging mabuting solusyon sa problema ng trapiko. 

Mas mabuti pang gumawa na lang ng panibagong diversion road ang DPWH sa labas ng bayan ng Sariaya gaya ng sa kalapit bayang Candelaria at Tiaong. Balita rin ay sisimulan na ang paglalagay ng karugtong ng SLEX mula Calamba hanggang Lucena kung kaya't mas magandang duon na lang ibuhos ng DPWH ang kanilang allotment, at mas magiging maayos ang kahihinatnan nito sa pang hinaharap.

Petition Closed

This petition had 935 supporters

Share this petition