WAG GIBAIN ANG ROSARIO COVERED COURT PASIG

The Issue

MGA TAGA ROSARIO PASIG MAGKAISA SA HINDI PAG GIBA NG ROSARIO BASKETBALL COURT!

malaki ang aanihing galit nito mula sa mga kabataan sa komunidad ng barangay rosario. marahil pati mga magulang ay tututol. ilang beses ko ng narinig mula sa mga nanay na mas nanaisin pa raw nilang magbasketball ( o iba pang sports at proyekto ng komunidad ng rosario ) buong araw ang kanilang mga anak, huwag lang gumamit ng droga.

mahalagang bahagi ng kulturang popular ang basketball sa lipunang pilipino. kahit nagmula ito sa ibang bansa, lubusang tinangkilik ito ng mga pilipino at higit pa ngang minahal kaysa sa ibang tradisyunal na laro. hindi ba’t may namamayaning kaisahan na matalo na tayo sa lahat ng kumpetisyon sa sea at asian games, huwag lang sa basketball (pasintabi sa mga manlalaro ng bilyar at bowling).

paboritong proyekto ng mga mambabatas ang pagpapagawa ng mga basketball court. sa katunayan, sa sobrang dami ng mga proyektong ito ay ipinagbawal na ng kongreso ang paggamit ng pork barrel para sa mga basketball court.

maraming artista at pulitiko ang nakilala dahil sa basketball. bata o matanda, kilala si jaworski o kahit si jun bernardino. hinahabol ng bir ang mga manlalaro ng pba sa laki ng kanilang kinikita. humihinto ang mundo kapag nba finals.

maging sa akademya ay tinukoy ang papel ng basketball sa paghubog ng sarili nitong lenggwahe na lalong nagpayaman sa pambansang wika. walang institusyong nagdikta kung ano ang tama o mali, pero sa buong kapuluan ay may nabuong komon na wika ang mga manlalaro ng basketball na kahit ang mga walang hilig sa laro ay naiintidihan ito.

sinisid ang bola, tirang palaka, agawang-buko, nangalabaw, buwakaw, ala-jawo, tirang-caidic, tambak, kapos – ang mga imaheng tinutukoy ng mga salitang ito ay nalikha sa mundo ng basketball at kayang sapulin ng halos lahat.

ito ang mahal naming rosario basketball court, tatak rosario pasig. ang libangan, paboritong laro’t kapuso ng bawat taga rosario o dayo. nawala na si thalia at ang ghostfighter pero nandyan pa rin ang rosario basketballball court . malalaos ang meteor garden at mga soap opera ngunit mananatili pa ring matatag ang natatanging lugar at halaga ng basketball ( o iba pang sports at proyekto ng komunidad ng rosario ) sa popular na kamalayan ng mamamayan ng mga taga rosario pasig.

buhay na buhay ang basketball at iba pang sports at proyekto sa komunidad ng barangay rosario. hindi humuhupa ang pagsulpot ng mga bagong proyekto sa amin barangay.

PAG NAWALA ANG ROSARIO BASKETBALL COURT SAAN NA MAGLALARO ANG MGA KABATAAN? ANG MGA PROYEKTO NG KOMYUNIDAD SAAN GAGANAPIN? SA KALYE?

kung tutuusin, ayaw ng mga kabataan ang maglaro sa kalye. una itoy nakakasagabal sa paglalaro dahil kailangang huminto kapag may dadaang sasakyan. tayo nga kapag nanonood ng laro sa tv at biglang nagbrown-out, hindi ba’t nakakabitin? ano pa kaya ang pakiramdam ng isang manlalaro na nakabuwelo na sa paglalaro pero biglang mabibitin dahil may tricycle na kailangang padaanin?

pangalawa, ang paglalaro sa kalye ay peligroso para sa mga manlalaro at mga pasahero ng mga sasakyang dumadaan. sabi nga nila, ang bola ay bilog at hindi mo alam kung kailan, kanino at gaano kalakas ito tatalbog. walang gustong masaktan at makasakit, lalo na ng mga naglalaro.

ang kawalan ng sapat na pasilidad o pag giba sa rosario covered court ay para sa paglalaro ang nagtutulak sa ating mga kabataan na gamitin ang mga kalye bilang alternatibong laruan. ang mga ibang barangay na may mga sports plaza ay hindi naman problema ang kalye na ginagawang basketball court. kalakhan ng ating mga kabataan ay walang access sa mga pasilidad na ito. tama po b?

sa kalye itinatayo ang mga basketball court hindi dahil likhang suwail ang mga kabataan at hindi marunong sumunod sa batas kundi nangangailangan ng malaking espasyo ang paglalaro ng basketball. pansinin halimbawa na hindi sa kalye nilalaro ang bilyar kundi sa loob ng mga bahay o gusali dahil pwede itong pagtiyagaan gamit ang maliit na espasyo.

hindi ako naniniwala na malaking sagabal sa mga leader natin ang pag hinto sa pag giba ng rosario covered court.

mukhang may problema ang mga leader natin sa pagkilala sa basketball court ng rosario para gibain agad ito ng walang kapalit at anunsyo sa buong komunidad.

hindi nito nakikita ang kapakinabangang idinudulot nito sa komunidad at sa lipunan. hindi dapat maliitin ang positibong birtud na pinapalaganap nito sa ating kabataan tulad ng pagkakaisa, pagkakaibigan at kolektibong kamalayan. ito ang salbabida ng ilan upang may matirang katinuan sa isang kapaligirang puno ng droga, kabaliwan at kawalang pag-asa.

kailangang kilalanin ang kontribusyon ng basketball court sa kabuuang pag-unlad ng basketball o iba pang sports at proyekto ng komunidad d2 sa aming barangay rosario.

karamihan ng ating mga propesyunal na manlalaro ay nahubog sa maagang paglalaro ng basketball sa rosario basketball court. katulad sa iba pang palakasan, ang mga manlalaro ng basketball ay gumagaling kung nakakalaban nila ang iba’t ibang kalidad ng manlalaro. sino sa ating mga propesyunal ang magmamalaking nahubog ang mga kasanayan nila sa paglalaro lamang sa mga gym?

dapat isipin ng mga leader ang pangmatagalang implikasyon ng kanilang gagawing mapangahas at elitistang hakbang sa sosyolohiya ng basketball o iba pang sports at proyekto ng komunidad d2 sa aming mahal na barangay rosario.

sa kasalukuyan, ang basketball ay parehong spectacle at nasasabuhay na karanasan. pinapanood natin sa tv sa gabi at nilalaro natin sa umaga. hinahangaan natin ang pinong galaw ni johnny abbarientos at sinusubukang gayahin sa susunod nating laro sa rosario basketball court.

kung masusunod ang pag giba ng rosario basketball court. magiging spectacle na ito para sa karamihan at nasasabuhay na karanasan para sa iilan. ayaw naman nating dumating ang sitwasyon na sa arcades at tv na lamang ang ugnayan natin sa larong basketball o iba pang sports at proyekto ng komunidad. sa hinaharap, ang maging manlalaro ay isang ispesyalisasyon na wala ng pangmasang katangian.

HON. MAYOR Bobby Eusebio Bobby Eusebio VICE MAYOR Iyo Bernardo Caruncho Iyo Caruncho Bernardo AND CITY COUNCIL OF PASIG CITY kami po'y para sa pagkakaisa, pagkakaibigan at kolektibong kamalayan ng barangay rosario pasig. maraming salamat po. kami po ay mga concerned citizen ng barangay rosario pasig since 1986.

This petition had 82 supporters

The Decision Makers

HON. MAYOR BOBBY EUSEBIO
HON. MAYOR BOBBY EUSEBIO
VICE MAYOR IYO BERNARDO
VICE MAYOR IYO BERNARDO
CITY COUNCIL OF PASIG CITY
CITY COUNCIL OF PASIG CITY
Petition updates
Share this petition
Petition created on November 17, 2016