"KARAPATAN NG BAWAT OFW LABAN SA PANG-AABUSO"

"KARAPATAN NG BAWAT OFW LABAN SA PANG-AABUSO"

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!

Madami ang mga OFW na inaabuso,dahil sila ay katulong lang,at mga walang pinag aralan kung sila ay tawagin.Madami ang namamatay na mga OFW dahil sa pangmamaltrato at pang-aabuso ng mga sariling amo nila.Dahil sa sobrang pang-aabuso sa mga bayani nating OFW ay nasisiraan narin sila ng bait at tangkang pagpapakamatay dahil sa mga truma at di makayanang pagpapahirap sa kanila.Dahil sa mga pagtrato ng mga amo nilang walang kaluluwa't walang puso.Bigyan natin ng karapatan ang ating mga OFW na makapagsalita kung inaabuso sila.Hindi sila nagpakalayo,mangulila at iwanan ang mga pamilya nila dito sa pilipinas para sila ay saktan at abusuhin.Karapatan din ng ating mga OFW na makatanggap ng minimum wage,mga responsableng oras ng pagpapahinga,at tamang oras ng pag-kain.Patulugin at patirahin sa desenteng tirahan at tulugan,desenteng kundisyon ng pagpapatrabaho ng maayos .Tratuhin naman po sana natin ng maayos ang ating mga OFW na parang tao.Hindi yung bubugbugin at gagahasahin.Sana naman po bigyan ng pansin ang DFA ang ating mga OFW upang lahat ng hinaing nila ay maagapan at maresolba kaagad para maiwasan ang pag-aabuso sa mga Bayaning OFW.

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!