Dapat pumirma ang Pilipinas sa GENEVA CONSENSUS DECLARATION ng 2020.

The Issue
Nananawagan ang Responsible Parenthood and All-Natural Family Planning Network (RP-All NFP) sa mga namumuno sa bansang Pilipinas na tayo ay makiisa sa 32 bansa na pumirma sa "Geneva Consensus Declaration on Promoting Women's Health and Strengthening the Family", noong ika-22 ng Oktubre 2020 sa pangunguna ng Estados Unidos.
Ang Geneva Declaration ay pinirmahan sa isang online na pagtitipon ng mga matataas na pinuno ng mga bansa upang ipahayag ang pagpapahalaga ng dignidad at karapatang mabuhay ng bawat tao; ng pamilya bilang batayang grupo ng lipunan; ng karapatan ng kababaihan na magkaroon ng ligtas at maayos na serbisyo sa panganganak; ang pagtanggi sa aborsiyon bilang metodo ng pagplano sa pamilya; na walang internasyonal na karapatan sa aborsiyon; at walang obligasyon ang mga estado na pondohan at tustusan ang aborsiyon.
Nananawagan kami sa pinuno ng bansang Pilipinas na pumirma sa Geneva Declaration. Alam natin na nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas ang pagtaguyod sa buhay ng sanggol sa sinapupunan ng ina kaya dapat lamang na pirmahan ng gobyernong Pilipinas ang Geneva Declaration.
Samahan niyo kami sa panawagang ito at pirmahan ang petisyon.

Petition Closed
Share this petition
The Decision Makers
Petition Updates
Share this petition
Petition created on February 25, 2021