#StandWithWyethWorkers laban sa harasment at panghihimasok sa unyon ng NTF ELCAC!

#StandWithWyethWorkers laban sa harasment at panghihimasok sa unyon ng NTF ELCAC!

0 have signed. Let’s get to 500!
At 500 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Youth Act Now Against Tyranny started this petition to Commission on Human Rights and

#StandWithWyethWorkers laban sa harasment at panghihimasok sa unyon ng NTF ELCAC!

Kami, mga manggagawa at mamamayan, ay nagpapahayag ng aming mahigpit na pakikiisa sa mga manggagawa ng Wyeth Philippines na kumakaharap ngayon sa atake  harasment at panghihimasok sa kanilang unyon ng NTF ELCAC. 

Ang Wyeth Philippines Progressive Workers Union (WPPWU) ay isang organisasyon na nagbibigkis sa pagkakaisa at paglaban ng mga manggagawa. Sa loob ng 62 taon, iginiit ng unyon ang nakabubuhay na sahod, sapat na benepisyo at regular na trabaho. 

Katuwang nito ang Drug, Food and Allied Workers Federation (DFA) at ang Kilusang Mayo Un sa pagtataguyod at pagtatanggol sa karapatan ng mga manggagawa. Sa panahon ng pandemya, tiniyak ng unyon ang kabuhayan at kaligtasan hindi lamang ng mga kasapi nito, kundi maging ng mga manggagawa sa iba’t ibang pagawaan. 

Kinukundena namin ang tuloy-tuloy na pananakot, pagbababahay-bahay at pagbabanta ng mga ahente ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga kasapi ng unyon. Kung hindi raw babaklas ang unyon sa DFA at KMU, kakasuhan ang mga opisyal ng paglabag sa Anti-Terror Law. Mas masahol pa, uulitin diumano ang madugong atake ng Bloody Sunday sa Wyeth Workers.

Agaran at epektibo ang dapat gawing aksyon ng Department of Labor and Employment sa atake sa unyon. Dapat kundenahin ng mga ahensya at opisyal ng gobyerno ang ginagawang paglabag sa karapatang pantao at karapatang unyon ng NTF-ELCAC. Dapat ipag-utos ng DOLE ang pagpapatigil sa ganitong mga hakbangin ng task force sa lalong madaling panahon.

Sa arawang pagpasok at pagtatrabaho, dugo at pawis ang iniaalay ng mga manggagawa sa bayan. Sinusuong nila ang lahat ng panganib upang ibangon ang sadlak ekonomya ng bansa. Batayang karapatan ang pag-uunyon at malayang pagpapahayag na di maaaring sagasaan ninuman. 

Itigil ang atake sa mga manggagawa!
Ipagtanggol ang ating unyon!
Buwagin ang NTF-ELCAC!
#StandWithWyethWorkers

0 have signed. Let’s get to 500!
At 500 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!