Ayuda Para sa Lahat!

Ayuda Para sa Lahat!
The Issue
PETISYON PARA SA AYUDA PARA SA LAHAT
Kami, mga mamamayan na naapektuhan ng lockdown ng pamahalaan bilang tugon sa COVID-19 pandemic, ay dumaranas ngayon ng malalang kahirapan at kagutuman dahil sa kawalan ng hanap-buhay sa loob ng dalawang buwan. Kulang, napakabagal at hindi sapat ang ayuda na ibinibigay ng pamahalaan. Pili lang ang binigyan nito sa kabila ng lahat ng pamilya ay naka-lockdown at walang trabaho o kita. Pumasok na rin ang mga bayarin sa mga tahanan tulad ng kuryente, tubig, upa sa bahay at iba pa na dumoble ang presyo bunga ng lockdown. Labas pa rito ang mga hinuhulugan tulad ng mga motor na ginagamit ng mga manggagawa pagpasok sa trabaho, mga credit card na ginamit ng mga propesyunal sa panahon na walang panggastos at iba pa.
Baon na sa utang at lugmok sa bayarin ang mga pamilyang Pilipino. Sa “new normal”, hindi lahat ay makakabalik sa kanilang mga trabaho at kabuhayan. Mahihirapang makabawi ang mga Pilipino, lalo ang mga mahihirap, sa epekto ng lockdown.
Kaya panawagan naming mga mamamayan ang mga sumusunod:
“AYUDA PARA SA LAHAT”
- Magbigay ng Php 10,000 financial assistance para sa lahat ng pamilyang apektado ng pandemya. Bukod pa ito sa nauna nang mga ayuda ng pamahalaan na dapat ay matagal nang naipamigay sa taumbayan. Tiyak na magpapatuloy ang kahirapan, kagutuman, kawalan ng trabaho, di sapat na kita sa kabuhayan bunga ng new normal sa ilalim ng general community quarantine. Tiyak na hindi 100% makakabalik sa trabaho ang mga manggagawa at empleyado, hindi rin buong-buo na maibabalik ang pampublikong transportasyon, hindi rin makakabalik agad sa dating pinagkakakitaan ang mga informal worker. Hindi mabilis na makakabawi ang mga pamilyang Pilipino sa krisis pang-ekonomiya kaya kinakailangang pang dagdagan ang ayuda na binibigay ng pamahalaan;
- Karguhin ng pamahalaan, pambansa at/o lokal, ang upa sa bahay ng mga residenteng nangungupahan lamang at ang bayad sa bill ng kuryente at tubig upang makaalalay sa mga pamilyang Pilipino. Malaking kaluwagan ito sa kanila lalo’t babawi pa lamang sila mula sa epekto ng lockdown.
- Pabilisin ang pagbibigay ng mga ayudang nauna nang ipinamamahagi ng pamahalaan. Bawasan ang mga rekisitos para makapag-apply at ma-release ng mabilis ang mga ayuda sa mga pamilya, manggagawa, informal workers, at iba pa.

Petition Closed
Share this petition
Petition created on May 16, 2020