AYUDA PARA SA MGA TSUPER, IBIGAY NA!

AYUDA PARA SA MGA TSUPER, IBIGAY NA!

0 have signed. Let’s get to 500!
At 500 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Tulong Kabataan Fairview started this petition to Barangay Captain Jose Arnel Lim Quebal

AYUDA PARA SA MGA TSUPER, IBIGAY NGAYON NA!

Marso 16, 2020 pa nang magdeklara ng lockdown sa bansa. Nagbalik-trabaho na ang karamihan sa mga manggagawa, ngunit naiwan ang mga tsuper ng jeep na sampung buwan nang walang matiwasay na hanapbuhay. Dumaan ang pasko’t baong taon, pilit pa rin nilang pinagkakasya ang mga natanggap na donasyon.

Makailang ulit nang hinahabol at patuloy na inaasahan ng mga tsuper ng Fairview Dahlia ang ayudang noon pa ma'y dapat naipamahagi na sa kanila, subalit pinagpasa-pasahan at pinaikot-ikot lamang sila ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Hanggang ngayon, ang mga tsuper ng PASODA ay hindi pa nakakatanggap ng wastong ayuda, at patuloy na namamalimos sa Pontiac, Fairview.

Kasabay ng patuloy nating panawagan para sa #LigtasNaBalikPasada at #NoToJeepneyPhaseout, at bunga ng masusing panayam kasama ang mga drayber sa Fairview; naghahain ang PASODA kasama ng Tulong Kabataan Fairview ng isang petisyon upang mabigyan ng karampatang ayuda at alternatibong oportunidad para sa hanapbuhay ang mga nasabing tsuper.

Pumirma sa petisyon, at patuloy na palakasin ang ating mga panawagan!

Sundan ang mga organisasyong nagsusulong ng karapatan ng mga tsuper, maliliit na operator, at commuter:

•  PISTON
•  Starter Piston
•  Balik-Pasada Network Quezon City

Maaring ugnayan ang Tulong Kabataan Fairview sa mga sumusunod na plataporma:

•  Facebook
•  Twitter

#AyudaNgayonNa
#NoToJeepneyPhaseout
#LigtasNaBalikPasada

0 have signed. Let’s get to 500!
At 500 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!