PIRMA PARA SA BALIK-PASADA!

PIRMA PARA SA BALIK-PASADA!
The Issue
Kami, ang mga kabataan, komyuter at nagmamalasakit, ay nakikiisa sa panawagang kagyat na tugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa usapin ng pampublikong transportasyon!
Sa kasalukuyan, kumakaharap tayo sa isang krisis pangkulusugan na lalong inilagay sa pangamba at bulnerabilidad ang mamamayan buhat ng kawalan ng trabaho at mapagkukuhanan ng pang-araw-araw na pangangailangan. Sa pagpasinaya sa general community quarantine (GCQ), pinahintulutan na ang ilang mga manggagawa na bumalik sa trabaho o kaya naman ay maghanap ng pagkakakitaan. Nailantad ang malaking problema sa usapin ng pampublikong transportasyon, laluna sa pagbabawal sa pagbyahe ng mga tradisyunal na dyip. Habang pinahihintulutang pumasada ang mga “modernong” dyip na pag-aari ng malalaking korporasyon, patuloy na pinagbabawalan ang daan-daan libong dyip ng maliliit na drayber at opereytor.
Kaya naman, narito ang kagyat naming mga panawagan sa gobyerno na tunay na maglilingkod sa interes at pangangailan ng mamamayan:
BALIK-PASADA, NGAYON NA!
Ibalik sa pamamasada ang mga tradisyunal na dyip habang tinitiyak ang mga pamamaraan para maging ligtas at makamit ang batayang pangangailangang pangkalusugan. Kasabay nito, dapat kagyat na ipatupad ang regular at malawakang testing, lalo na sa komunidad kung saan naninirahan ang mga drayber para matiyak ang ligtas na pagbyahe nila.
SAPAT NA AYUDA, IBIGAY NA!
Dapat ibigay sa kagyat ang tulong pampinansya sa mga drayber at opereytor na labis na naapektuhan ng lockdown. Ito ay magsisilbing kompensasyon para sa tatlong buwang walang kita ang mga drayber na napilitang mamalimos sa kalsada. Ito rin ay magagamit nila para sa mga kinakailangang gastusin sa pagtitiyak na malinis at ligtas ang mga dyip na bibyahe.
TUTULAN ANG JEEPNEY PHASEOUT!
Hindi kami tutol sa pagpapaunlad ng ating mga sasakyang pampasada dahil lahat ay makikinabang dito. Ngunit mahigpit naming tinututulan ang lantarang pagraratsada ng jeepney phaseout kapalit ng moderning dyip na nagkakahalagang P2.2 milyon kada yunit. Sa halip, dapat ay makipagtulungan sa mga tsuper at organisasyon nila na humanap ng maka-masa at abot-kayang alternatibo sa pagpapaunlad sa ating mga yunit pampasada.

Petition Closed
Share this petition
Petition Updates
Share this petition
Petition created on June 24, 2020