Actualización de la peticiónTO TAKE THE NECESSARY STEPS TO RECOGNIZE ANDRES BONIFACIO AS THE FIRST PRESIDENT OF THE PHILIPPINES (BONIFACIO: UNANG PANGULO)ANG KAHULUGAN NG "HARING BAYAN" NI BONIFACIO AY PAMAHALAAN / GOBYERNO
Michael Charleston ChuaLungsod Quezon, Filipinas
25 dic 2014
Sa mga dokumento, hindi pumipirma si Andres Bonifacio na "Supremo" (Mayroong isang sulat na sinasabing pumirma siya bilang Supremo pero hindi matagpuan ang orihinal. Sa Akta de Tejeros, sa teksto tinawag siyang Supremo subalit hindi siya pumirma ng ganito), pumirma siya sa mga dokumento bilang Lubhang Mataas na Pangulo, Kataas-taasang Pangulo, Pangulo ng Kataas-taasang Kapulungan o Pangulo ng HARING BAYANG KATAGALUGAN. Sabi nila, ang ibig sabihin ng Haring Bayan ay si Bonifacio mismo ang Haring Bayan (KING OF THE NATION). Isa itong kamalian, ang Haring Bayan ay kataga para sa pamahalaan. Isang demokrasya kung saan ang Hari ay ang Bayan (SOVEREIGN NATION). In fact, pansinin na siya ang "Pangulo" ng Haring Bayan. Ang susunod na pagtalakay ng mga ebidensya ay mula sa bagong aklat na "Bonifacio: Ang Unang Pangulo, Backstories to the Movie for Students and Teachers" nina Dr. Milagros Guerrero at Michael Charleston "Xiao" Chua at inilathala ng Anvil Publishing, Inc. na mabibili na sa National Bookstore. Ang bahaging ito ay mula sa sanaysay na "Bonifacio: Ang Unang Pangulo" ni Xiao Chua na matataguan sa mga pahinang 36-37: Ang Haring Bayan naman ang kataga para sa pamahalaan. Sinipi ni General Santiago Alvarez ang pakahulugan mismo ni Bonifacio sa Haring Bayan, “…na mula sa Ktt. Pamunuan ng Katipunan, hanggan sa kababa-babaan, ay nagkakaisang gumagalang sa pagkakapatiran at pagkakapantay-pantay; namumuhunan ng dugo at buhay laban sa Hari, upang makapagtatag ng sarili at malayang Pamahalaan, na sa makatwid, ay mamahala ang Bayan sa Bayan, at hindi ang isa o dalawang tao lamang.” Patunay ito na mali ang sinasabi ng mga kapanalig ni Heneral Aguinaldo na nais ni Bonifacio ang isang monarkiyang Haring Bayan, na si Bonifacio ang maging hari ng Bayan. Gayundin, ayon sa mga ilang nakasama ni Aguinaldo, ang pamahalaan nga ang Haring Bayan. Ayon sa sekretaryo mismo ni Aguinaldo na si Carlos Ronquillo y Valdez sa Ilang Talata tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) nang 1896-97, “Dito rin [Biak-na-Bato], nang kailangan na ng panahon[,] uling pinag-ayos ang natatayong ‘Pamahalaan ng Haringbayang Katagalugan[’], na binigyan ng lalong masaganang kinang na kumislap sa kanyang bagong Konstitusyon… noong unang araw ng Nobyembre nang 1897…” Sa sulat-kamay mismo ni Apolinario Mabini, sinasaad ng isa sa naunang borador ng Reglamento de la Constitucion del Gobierno Revolucionario noong 23 Hunyo 1898, ang organic act ng pamahalaan matapos na iproklama ang Kasarinlan, na: “Ang Atasan Tigalagda (Gobierno Dictatorial) buhat ng̃ayon kun turan ay Atasan panghihimagsik (Gobierno Revolucionario) na ang tunay na nais ay ang pakikidigma ng̃ upang matiwalag itong Filipinas hanggang sa mg̃a ibang Kaharian sampo ng̃ España ay kanilang kilalanin ang pagkahiwalay at ihanda sa bayan ang bágay na kakailang̃anin ng upang matatag ang tunay na Haring bayan (Republica).” Samakatuwid, nang itinatag ni Bonifacio ang rebolusyonaryong gobyerno, ang Katagaluugan ay nangangahulugang PAMBANSANG rebolusyonaryong gobyerno. Sa pagkilala sa pinanggalingang kabihasnang pandagat ng kanyang bayan, tinawag niyang Katagalugan ang kanyang bayan batay sa ugat ng katagang "taga-ilog." Samakatuwid, kung si Bonifacio ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, masasabing siya ang Presidente ng Rebolusyonaryong Gobyerno, ang unang pambansang gobyerno ng Pilipinas. (Isinalin mula sa Ingles ni John Ray Ramos at isinaaklat ni Rayvi Sunico at Katrina C. Guevarra)
Copiar enlace
WhatsApp
Facebook
Nextdoor
E-mail
X