Petisyon ng mga Mamamayan ng Probinsya ng Quezon Para sa Malinis na Hangin sa Probinsya

The Issue

Kami, mga mamamayan ng Quezon, katuwang ang Quezon for Environment (QUEEN), na isang koalisyong binubuo ng iba't ibang grupong pangkalikasan, komunidad, at simbahan, ay nananawagan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na agarang kumilos upang protektahan ang aming kalusugan at kalikasan laban sa nakapipinsalang epekto ng polusyon sa hangin. Ayon sa isang ulat at pag-aaral noong 2022, na isinagawa ng Center for Energy, Ecology, and Development, isang institusyong nakabase sa Pilipinas, nalantad na ang mga bayan ng Atimonan at Pagbilao sa Probinsya ng Quezon ay nakararanas ng mataas na antas ng particulate matter (PM2.5) at iba pang pollutants na lumalampas sa mga ligtas na limitasyon na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) maging sa iba't ibang international organizations gaya ng United States- Environmental Protection Agency (US-EPA) at World Health Organization (WHO). Ang polusyong ito ay nagdudulot ng seryosong panganib sa aming kalusugan, kabilang ang mga sakit sa baga at puso.

Bukod pa rito, nakakita rin ng indikasyon ng mataas na konsentrasyon ng nakalalasong mga kemikal tulad ng sulfur dioxide at nitrogen dioxide. Dahil sa kakulangan ng mahigpit na regulasyon at regular na pagsubaybay, partikular sa kawalan ng itinakdang pamantayan para sa mga planta sa ipinasang Quezon Environmental Code of 2024, patuloy na naaapektuhan ang kalusugan at kapaligiran ng aming komunidad.

Dahil dito, hinihiling namin sa mga kinauukulan na i-update ang outdated ambient air quality guidelines ng Pilipinas sapagkat ang kasalukuyang pamantayan sa kalidad ng hangin ay hindi na tumutugon sa mga modernong pangangailangan sa kalusugan at kalikasan. Hinihiling din namin na siguruhing regular na sinusuri ang kalidad ng hangin at panagutin ang mga planta na lumalabag sa mga pamantayan, at magbigay ng mga parusa sa mga kumpanyang nagdudulot ng polusyon sa kalikasan.

Hinihiling din namin na ideklara bilang non-attainment area ang mga bayan na may mataas na indikasyon ng polusyon sa hangin, partikular ang mga Bayan ng Atimonan at Pagbilao. Sa pamamagitan nito, maaari tayong magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon upang pababain ang antas ng polusyon at protektahan ang kalusugan ng aming mga komunidad.

Pinakahuli, hinihiling namin ang masikap na pagtataguyod ng renewable energy bilang ating pangunahing pagmumulan ng enerhiya sa bansa. Hinihiling namin sa mga kinauukulan na suportahan ang mga proyekto para sa renewable energy tulad ng solar, wind, at hydropower upang mapalitan ang mga coal at gas plant na silang pangunahing dahilan ng polusyon sa hangin. Ang paggamit ng malinis na enerhiya ay hindi lamang magpapababa sa polusyon kundi magdudulot din ng mas ligtas na trabaho at mapayapang buhay para sa aming mga mamamayan. Gayundin, hinihiling namin na palakasin ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa epekto ng polusyon sa hangin at ang mga hakbang na maaaring gawin upang mabawasan ito, kabilang ang pakikilahok sa mga programang magtataguyod ng malinis na teknolohiya.

Naniniwala kami na ang karapatan sa malinis na hangin ay karapatan ng bawat isa sa Quezon. Ang proteksyon sa kalusugan ng aming komunidad ay hindi maaaring isantabi. Hinihiling namin, sa lokal at pambansang pamahalaan, na agad na kumilos upang mapigilan ang patuloy na paglala ng polusyon at pangalagaan ang kinabukasan ng aming probinsya. Kaalinsabay nito, nangangako kaming magpapatuloy sa panawagan para sa hustisya sa kalusugan at kalikasan hanggang sa makamtan namin ang mas malinis at ligtas na hangin para sa lahat.

34

Petition Updates