REPEAL RA 11203 RICE LIBERALIZATION LAW AND ENACT HB 405 RICE INDUSTRY DEV'T ACT (RIDA)

The Issue
PETISYON NG MAMAMAYAN PARA IPAWALAMBISA ANG REPUBLIC ACT 11203 RICE LIBERALIZATION LAW AT ISABATAS ANG HOUSE BILL 405 RICE INDUSTRY DEVELOPMENT ACT (RIDA)
Kami, mga magsasaka, manggagawa, kababaihan, kabataan, maralitang tagalungsod, konsyumer, mga kawani ng gubyerno, syentista, mga tagapagsulong ng Food Security, mga maliliit na negosyante at mga stakeholder sa industriya ng bigas, at iba pang sektor ng mamamayang Pilipino, ay:
NAGKAKAISA PARA IPANAWAGAN ANG PAGPAPAWALAMBISA O PAG-REPEAL SA REPUBLIC ACT 11203 RICE LIBERALIZATION LAW AT PAGSASABATAS NG HOUSE BILL 405 RICE INDUSTRY DEVELOPMENT ACT (RIDA).
Mula nang isabatas ito noong Pebrero 2019, napakaraming mga magsasaka sa bansa ang nakaranas ng pagkalugi, pagbagsak ng presyo ng palay at pagkakabaon sa utang, kaya sila ay nanawagan na ipawalambisa ang batas na ito. Samantala, ang mga maralitang konsyumer naman ay hindi nakaranas na makabili ng mas murang bigas, sa P25 kada kilo na ipinangako ng batas na ito.
Ang pagbaha ng imported na bigas ay magpapabagsak pa lalo sa kabuhayan ng mga magsasaka, nagbaon sa kanila sa utang at nagpalayas sa kanila sa mga sakahan. Palagian nang sinasangkalan para sa pambabarat sa presyo ng palay ang bumabahang “murang” imported na bigas at ibinabangga pa ito sa panahon ng anihan. Ang murang presyo ng palay na binabangga sa tumataas na gastos sa pagsasaka, sa kasalukuyan bunsod ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis at pagpataw ng malaking buwis, ay awtomatikong nagtulak sa mga magsasaka sa pagkalugi at pagkautang.
Mula 2019 hanggang sa kasalukuyan, bagsak at palugi ang presyo ng palay sa buong bansa na umabot sa P10 hanggang P18 kada kilo. Malayo ito sa matagal nang panawagan ng mga magsasakang Pilipino na bilhin ng mahigit P20 kada kilo. Umabot na ng P165 bilyon ang lugi ng maraming magsasaka mula 2019 hanggang 2022. Makikita ang datos na ito sa volume of production na tumaas ng 19.07 MMT noong 2018 patungong 19.30 MMT nitong 2020, at ang average farmgate price ng tuyong palay ay bumaba ng P5.35 kada kilo mula sa P20.87 noong 2018 at P15.55 kada kilo nitong 2020. Ang panahong ito ay kung kailan bumaha ang imported na bigas mahigit 3 milyong metriko tonelada o malaking 17% ng kabuuang suplay ng bigas sa bansa.
Sa hanay ng mga konsyumer, nanatiling apektado sa mataas ang presyo ng bigas na nasa P38-50 kada kilo. Tinanggal ng batas ang pagbebenta ng murang bigas ng National Food Authority (NFA) na P27 kada kilo, kaya sila ay napwersang bumili ng mga mas mahal na commercial rice. Dumagdag pa ito sa tumaas na cost of living, at nagpabawas sa kakarampot na ngang household income.
Walang ibang nakinabang sa batas na ito, kundi ang mga mayayamang importer, trader, panginoong maylupa, mga kasabwat nitong opisyal ng gubyerno, at mga dayuhang exporter ng bigas. Habang pinabagsak nito ang kabuhayan ng mga magsasaka, at sa pangkalahatan ay winawasak nito ang national food security, self-sufficiency at self-reliance (seguridad sa pagkain, pagkakasapat, pagsasarili), na nakaapekto sa buong populasyon.
Bilang solusyon sa krisis sa palay at bigas, ipinapanawagan namin ang pagsasabatas ng Rice Industry Development Act, gayundin ang mga sumusunod, para sa interes ng mga magsasakang Pilipino, maralitang konsyumer at pagkamit ng national food security na nakabatay sa self-sufficiency at self-reliance, at hindi pag-asa sa importasyon ng bigas mula sa ibang bansa:
1. Production Subsidy para panatilihin ang mababang presyo ng bigas para sa interes ng mga maralitang konsyumer;
2. Local palay procurement ng National Food Athority sa hindi bababa ng P20 kada kilo;
3. Pagbili ng mismong estado para ituring na public stock ang palay at bigas, kontra sa mga dikta ng pribadong trader; Buwagin ang rice cartel;
4. Pagtigil sa importasyon, pull-out ng bansa sa kasunduan sa World Trade Organization – Agreement on Agriculture (WTO-AoA)
5. Sandaang porsyentong irrigation development sa mga sakahan; sapat na subsidyo at suporta sa produksyon; probisyon ng makinarya at libreng serbisyo para sa mga post-harvest facilities;
6. Puspusang pananaliksik para sa organikong produksyon ng palay bilang pagpapababa ng gastos para sa mga agro-chemical input at preserbasyon ng kalikasan at katubigan;
7. Igalang ang karapatan ng mga magsasaka sa lupa upang magpatuloy sila sa produksyon ng palay at pagkain para sa bansa;
8. Magpatupad ng price control ang Department of Trade and Industry, maglabas ng Executive Order ang Malacanang para maging abot-kaya ang bigas;
Ang paglagda sa petisyong ito ay pagpapahayag para sa pagpapawalambisa o pag-repeal ng Republic Act 11203 Rice Liberalization Law at pagsasabatas ng House Bill 405 Rice Industry Development Act.
DEFEND PHILIPPINE RICE INDUSTRY AND AGRICULTURE!
SAVE THE FILIPINO FARMERS AND LIVELIHOOD!
ISULONG ANG NATIONAL FOOD SECURITY, RICE SELF-SUFFICIENCY AT SELF-RELIANCE!
[Ang petisyon na ito ay sa pangunguna ng Bantay Bigas, AMIHAN National Federation of Peasant Women, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Anakpawis Partylist, Gabriela Women's Party]

3,231

The Decision Makers
Petition Updates
Share this petition
Petition created on September 24, 2019