

Mga Kababayan at Kapwa Pilipino! Tulungan nyo po kaming 40,000+ Residente ng Bgy 181 at 182 Pangarap Village, North Caloocan City mag-sign up po kayo sa aming online petition. (Human Rights Violations 1988-2023)
TAMA NA!!! SOBRA NA!!! SUKDULAN NA PO ANG PANGGIGIPIT SA AMIN!!! HINDI ITO MAKATARUNGAN AT HINDI MAKATAO!!! SOBRANG PAHIRAP SA BUHAY NG KAPWA PILIPINO!!! MAS MATINDI PA SA NATURAL DISASTER ITONG *MAN-MADE CALAMITIES* NA GINAGAWA NG CARMEL DEVELOPMENT INC (CDI) LABAN SA MAHIGIT 40,000 RESIDENTE NG PANGARAP VILLAGE!!!
Marso 11, 2023, nagsimula na naman po ng demolisyon sa Bgy 182 Pangarap Village, North Caloocan City ng wala namang court order ang mga tauhan ng CDI. Marami pa pong mga kaso ang nakasampa sa korte, patuloy po naming ipinaglalaban ang aming karapatan. Subalit bakit po nakakagalaw pa rin sila??? Nasaan na po ang due process of law para sa amin? Binalewala na po talaga ang batas at ang aming KARAPATANG PANTAO!!! At bakit po hindi kami matulungan at ma-ipagtanggol ng PAMAHALAANG LOKAL at NASYONAL??? 35 taon na po ang dusa at pasakit at palala ng palala ang ginagawa nila sa aming village at sa mga residente. Mga wala po silang konsensya at budhi!!! Dapat nga po ay tinutulungan kami ng pamahalaan upang umasenso sa buhay, hindi yung pinababayaang magipit at maipagtabuyan daig pa ang hayup!
MAAWA NAMAN PO KAYO SA AMIN PANGULONG FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR AT LAHAT NG KINAUUKULAN. INAARARO NA NAMAN PO KAMI DITO NG MGA TAUHAN NG CDI (GREGGY ARANETA III). NASAAN NA PO ANG HUSTISYA??? BILANG EXECUTIVE LEADER NG BANSANG PILIPINAS TULUNGAN NYO PO KAMI MR PRESIDENT. MAY LUPA AT BAHAY NA PO KAMI DITO SA PANGARAP VILLAGE, WAG NYO NAMAN PONG HAYAANG KUNIN ITO SA AMIN NG SAPILITAN AT SA PAMAMAGITAN NG DAHAS.
Ang inyo pong yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr ang nagkaloob ng mga lupa namin dito sa Pangarap Village noong dekada 70. Batid naming alam nyo po ang kaso ang problema ng Pangarap Village, pati na rin ang Presidential Decree at Letters of Instructions ng inyong ama. May mga TITULO po ang mga residente dito, isyu po ng Registry of Deeds ng mabayaran ng buo ng mga residente ang biniling lupa sa gobyerno! Bakit kung makapag-angkin sila ng lupa wagas! Iligtas nyo po kami sa mga ganid at oligarkiya. Makapagtaboy ng residente wagas, sapilitang pinapa-alis sa sariling bahay, tinatabunan ng mga binuldoser na lupa ang mga bahay. Pinutulan ng kuryente at supply ng tubig. Sinarado aming daanan, nagiwan lang ng kaunting lagusan pang-isang tao. Ngayon naglawa na at putikan pa aming daanan. Sa gabi ay sobrang dilim at delikado. "In case of emergency, High Risk po ang status naming lahat dito". Napakaraming violations ng CDI, basahin nyo po ang injunction case na isinampa ni Kap Rowel Brin sa korte nito lang Disyempre 2022.
MR PRESIDENT, SANA NAMAN PO AY MAKONSENSYA ANG PAMAHALAAN SA ABA AT DUSTANG KALAGAYAN NAMIN DITO SA PANGARAP VILLAGE. HUWAG NYO PO KAMING PABAYAAN. HIPUIN NAWA KAYONG LAHAT NI LORD NA MABIGYANG LUNAS ANG AMING DEKA-DEKADA NG SULIRANIN AT PIGHATI. RESOLUTION, REPUBLIC ACT, EXECUTIVE ORDER, ETC TIYAK NAMAN PO NA MAY PWEDE PO KAYONG GAWIN PARA SA AMIN MR PRESIDENT. BATID PO NG PANGINOONG DIYOS ANG INYONG PUSO AT ISIPAN.
KASIHAN NAWA KAYO NG ATING PANGINOONG HESUS NA GAWIN ANG TAMA AT NARARAPAT PARA SA MASANG PILIPINO.