Junk SDG Park and Housing Business Projects in UP Diliman
The Issue

DEMOLISYON TUTULAN, LABANAN, WAG PAHINTULUTAN!
Kami, ang mga indibidwal na nakapirma, ay nakikiisa sa mga demand ng Samahan ng mga Mamamayang Nagkakaisa sa Diliman (SAMANADI) hinggil sa pagpapabasura sa proyektong SDG Park at negosyong pabahay sa ilang bahagi ng Barangay UP Campus at Krus Na Ligas bukid.
Ang aming panawagan ay ang mga sumusunod:
- Isulong ang tapat at transparent na pampublikong konsultasyon sa mga residente ng Pook Aguinaldo, Area 17, Pook Libis at Malantik mula sa UP Administration, partikular ng Office of the Vice President for Development, Quezon City Local Government Unit (QC LGU), at DHSUD para sa mga proyektong nais isagawa sa kanilang mga komunidad upang matiyak ang kanilang mga karapatan.
- Habang pinapanawagan ang tapat at transparent na konsultasyon, pinaglalaban ng mga residenteng ihinto ang aktibong pagpapapasok ng mga materyales para sa proyektong SDG Park at SDG Rental Housing. Kagyat na paghinto sa mga kasalukuyang hakbangin sa proyekto habang wala pang naiaabot ang negosasyon.
- Itigil ang harassment na nililikha ng mga blue guards sa komunidad, pagsisira ng mga pananim ng mga magsasaka o mga residente. Tanggalin ang mga blue guards sa komunidad, itigil ang pagdemolish ng mga kabahayan.
- Kilalanin ang "notice of coverage" ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasaka ng Krus Na Ligas. Bigyan ang mga magsasaka ng tulong pinansyal para mapaunlad ang kanilang sakahan.
- Pagpapahintulot ng pagbibigay ng permit sa mga residente ng Barangay UP Campus at alisin ang palugit na (3) tatlong taon ng pananatili lamang at kukunin na ng UP ang bahay o paaalisin na sa lugar ang mga residente para hindi mahirapan sa pagpapaunlad ng kanilang mga kabahayan. Dahil sa kasalukuyang charter ng UP Diliman, kinakailangan pang pahirapan ang mga residente sa pagkuha ng permit at dumaan sa matagal na proseso na minsang dumadaan pa ng ilang buwan ang pag-aapruba sa pagpapaayos ng kanilang mga bahay.
- Manatili ang mga residente sa kanilang mga tirahan, ibasura ang SDG Park Project at mga proyektong negosyong pabahay at isulong ang tunay na kaunlaran para sa mga komunidad sa UP. Nais ng mga residente ng Pook Aguinaldo, Area 17, Malantik, Pook Libis, CP Garcia, Arburetum at iba pang matatamaan ng mga proyekto sa loob ng pamantasan ang development ngunit ito ay dapat na para sa tunay na ikakaunlad ng kanilang mga komunidad at hindi lang para sa interes ng iilang negosyante.
Imbis na maglaan ng pondo para sa komersalisasyon ng kanilang komunidad, mas mainam na tugunan ang kakulangan sa pagbibigay sa kanila ng mga pampublikong serbisyo, gaya ng Daycare Centers, Health Centers, at iba pa. Dapat kabahagi o kilalanin rin na ngayong kasalukuyan ang komunidad ay nagsisilbing alternatibong lugar ng pagkakatuto ng mga estudyante.
Ang mga proyektong ito ng gobyerno ay malinaw na hindi magdudulot ng tunay na kaunlaran para sa lahat at lalong yuyurak sa karapatan ng mamamayan sa lupa, paninirahan at kabuhayan.

UP SDG PARK PROJECT AT 4PH NA NEGOSYONG PABAHAY IBASURA!
ISULONG ANG KARAPATAN SA MAKATAONG PABAHAY AT MAKATARUNGANG KAUNLARAN PARA SA LAHAT!
#JUNKSDGPARK
#NoToDemolition
#NoToCommercialization
#DevelopmentForThePeople
#UPNotForSale
#SerbisyoSaTaoWagGawingNegosyo
#LahatNgSangkotDapatManagot
#LupaNgMgaMagsasakaIpaglaban
#DefendTheHood

24

Petition Updates
Share this petition
Petition created on July 6, 2026