ISANG MILYONG PIRMA, SCRAP NCAP!

ISANG MILYONG PIRMA, SCRAP NCAP!
The Issue
Noong May 26, 2025, muling pinanumbalik ng MMDA ang No Contact Apprehension Policy sa bansa. Kung saan ginagamit ang CCTV Cameras para magpataw ng mga paglabag sa batas trapiko. Sinasabing ito ay solusyon ng gobyerno sa TRAFFIC CONGESTION ngunit sa aktwal, ito ay dagdag pahirap sa mamamayan at manggagawang motorista.
Bakit dapat tutulan ang NCAP?
ANTI-MAHIRAP
Motorsiklo ang pinaka-AKSESIBLENG moda ng transporasyon, kaya ito ang natatamasa ng mga simpleng mamamayan. Dahil sa NCAP, nagkakaroon ng paraan para makapangikil ng salapi sa pamamagitan ng penalty at mga violation fines, na kung tutuusin ay katumbas na ng isang buo o higit pang araw na kinikita ng manggagawa.
UNDEMOCRATIC
Walang due process, na karapatan ng bawat mamamayan batay sa konstitusyon, sa sistema ng NCAP. Kung walang due process, nalalabag ang karapatang pantao dahil walang avenue ang mapaparatangang lumabag ng traffic violations para depensahan ang kanilang sarili.
Ito rin ay dahilan para maabuso ang mga simpleng motorista sa pamamagitan ng Digital Extortion kung saan napupuwersang magbayad ng fine dahil may bantang maapektuhan ang kabuhayan at labag ito sa kalooban dahil hindi naidadaan sa due process.
PEKENG SOLUSYON
Sapilitan itong inimplement simula noong May 26, 2025 habang marami pang hindi nareresolbang mga isyu sa daanan tulad ng kawalan ng maayos na mga signage, sira-sirang kalsada, sira-sirang stoplights, putol-putol na markings na nakakalito at nagbibigay panganib sa kalsada. Kaya’t paano ito magiging patas at wasto para sa mamamayan kung ang mismong gobyerno ay hindi rin handa? Hindi NCAP ang sasagot sa usapin ng “disiplina”. Hindi NCAP ang solusyon sa isyu ng traffic congestion sa kalsada.
Ang NCAP ay manipestasyon ng pagiging utak negosyo ng ating gobyerno. Sa halip na ugatin ang problema, pinapatupad ang mga ganitong polisiya na nakakapagpahirap lamang sa buhay ng simpleng mamamayan.
Makiisa at pumirma sa PETITION para tutulan ang NCAP!
ISANG MILYONG PIRMA, SCRAP NCAP!
6

Petition Updates
Share this petition
Petition created on June 4, 2025