23 июл. 2015 г.
July 2, 2015 Ibinagsak sa city council ng Maynila ang sisi sa mga sakit ng ulo na idinulot ng Torre de Manila. Ayon kay Buhay Rep. Lito Atienza kahina-hinala ang asta ng konseho ng Maynila hinggil sa nasabing usapin. Ilang beses na aniyang nag-iba ng timpla ang city council sa pagbibigay ng permiso sa kontraktor na DMCI para mailarga ang proyekto. Banat naman ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, binalewala ng konseho ang papel ng ehekutibo ng lungsod ng Maynila. Inusisa rin ni Manila Cong. Amado Bagatsing ang pagbibigay ng permit sa DMCI gayung salungat sa isinasaad ng city ordinance 8119 na naglilimita ng zoning na hanggang mahigit 7,000 square meters lamang. Samantala, ikinatwiran naman ni National Histo­rical Commission of the Philippines Executive Director Ludovico Badoy na binigyan nila ng sertipikasyon ang Torre de Manila dahil wala naman ito sa bisinidad ng Luneta o Rizal Park.http://dzar1026.com/konseho-ng-maynila-sinisisi-sa-problemang-idinulot-ng-torre-de-manila/
Скопировать ссылку
WhatsApp
Facebook
Nextdoor
Эл. почта
X