WOK THIS WAY: Towards A Walkable Binondo

The Issue

IMPORTANT NOTICE: Your donations do not go to us. They go to Change.org, which uses the funds to promote the petition to more potential signatories.
 
Kami, ang mga residente, manggagawa, estudyante, may-ari ng negosyo, turista, at miyembro ng komunidad ng Binondo, ay magalang na nananawagan para sa agarang aksyon upang gawing mas ligtas, mas maayos, at mas madaling lakaran ang ating mga kalsada. 

Maraming sidewalk sa Binondo ang sira, hindi pantay, masyadong makipot, o natatakpan ng mga nakaparadang sasakyan. Dahil dito, napipilitan ang mga naglalakad na tumawid sa kalye, na nagdudulot ng panganib araw-araw. Mahirap para sa mga estudyante ang makarating sa paaralan ng ligtas; nahihirapan ang matatanda sa mga butas, at harang sa sidewalk; at hindi PWD friendly ang sidewalk sa Binondo. Nakakaranas din ng abala at panganib ang mga manggagawa, residente, at turista sa pinakamatandang Chinatown ng bansa.

Ang mga problemang ito ay nagpapababa sa kalidad ng pamumuhay sa Binondo at nakakasagasa sa pagkakakilanlan nito bilang isang mahalagang distrito para sa kultura, negosyo, at pamayanan. Naniniwala kami na ang ligtas at maayos na sidewalk ay mahalaga para sa isang mas healthhy, aktibo, at konektadong komunidad. 

Makikinabang dito ang lahat, residente, manggagawa, may-ari ng negosyo, turista, estudyante, PWDs, at matatanda. Ang mga sidewalk na madaling lakaran ay nagpapalakas sa ekonomiya, nakababawas sa trapiko, nagpapasariwa ng hangin, at sumusuporta sa kultura ng Binondo, na mas magiging kaaya-aya para sa lokal at dayuhang bumibisita. 

May mga ipinapatupad nang ordinansa na nagbabawal sa paghaharang sa sidewalk, ilegal na paradahan, at maling paggamit ng mga daanang pantao. Magalang naming hinihiling sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipatupad ang mga batas na ito at siguraduhin ang ligtas na daanan ng mga naglalakad sa buong Binondo. 

Sa pamamagitan ng petisyong ito, hinihiling namin sa ating mga opisyal na: 

  1. Ayusin ang mga sira at hindi pantay na sidewalk, palaparin ang makikipot na sidewalk kung maaari, at tiyaking sumusunod ang lahat sa tamang sukat at pamantayan.
  2. Mahigpit na ipatupad ang mga batas laban sa paghaharang ng sidewalk at ilegal na paradahan. 
  3. Pahusayin ang imprastraktura para sa mga naglalakad, maglagay ng rampa, linisin at ayusin ang sidewalk, punan ang mga butas, at palitan ang mga sirang poste ng ilaw.
  4. Makipag-ugnayan sa mga residente, manggagawa, at iba pang stakeholder upang makabuo ng solusyong naaayon sa pangangailangan ng komunidad.

Ipinapangarap namin ang isang Binondo kung saan ang lahat, kahit anong edad o kakayahan, ay makakalakad ng ligtas, komportable, at may dangal. Ang ligtas at maayos na mga kalsada ay hindi luxury; ito ay isang karapatan at pundasyon ng isang maayos na lungsod

Hinihikayat namin ang ating mga lokal na opisyal na kumilos agad. Sama-sama nating gawing Binondo ang isang lugar na nagpoprotekta sa mamamayan, iginagalang ang kultura, at lumilikha ng mas malinis, mas ligtas, at mas masiglang kapaligiran para sa lahat.

English Translation: 
The residents, workers, students, business owners, tourists, and community members of Binondo respectfully call for immediate action to make our streets safer, more accessible, and more walkable for all.

Across Binondo, many sidewalks are broken, uneven, too narrow, or obstructed by parked vehicles. These conditions force pedestrians onto the road and create daily hazards, students walking to school must navigate unsafe paths; senior citizens struggle with steps, gaps, and blocked walkways; persons with disabilities (PWDs) face constant barriers to movement; and workers, residents, and tourists experience inconvenience and danger in the country’s oldest Chinatown.

These issues diminish the quality of life in Binondo and undermine its identity as an important cultural, commercial, and residential district. We believe that safe and accessible sidewalks are essential to building a healthy, active, and well-connected community.

Improving walkability will benefit all sectors, residents, workers, business owners, tourists, students, PWDs, and senior citizens. Walkable streets encourage economic activity, reduce traffic congestion, promote cleaner air, and support the cultural heritage of Binondo by making it more welcoming to visitors and locals alike.

Existing ordinances already prohibit sidewalk obstruction, illegal parking, and the misuse of pedestrian spaces. We respectfully urge the Manila Local Government and the Department of Public Works and Highways (DPWH) to fully enforce these laws and ensure safe pedestrian access throughout Binondo.

Through this petition, we call on our leaders to:

  1. Repair damaged and uneven sidewalks, widen narrow pathways where feasible, and ensure that all sidewalks follow standard measurements.
  2. Strictly enforce laws against sidewalk obstruction and illegal parking.
  3. Improve pedestrian infrastructure by adding ramps, providing clearer walkways, fixing holes in sidewalks, and removing broken street lamps that have not been working for years. 
  4. Engage residents, workers, and stakeholders in consultations to create solutions that reflect community needs

We envision a Binondo where everyone regardless of age or ability can walk safely, comfortably, and with dignity. Safer and more walkable streets are not a luxury; they are a fundamental right and a cornerstone of a livable city.

We urge our local leaders to act now. Together, let us build a Binondo that protects its people, honors its heritage, and creates a cleaner, safer, and more vibrant environment for all.

598

Petition updates
Share this petition
Petition created on November 30, 2025