UPUAN: Hindi Lahat ng Kaya ay Dapat

1

Let’s get to 5 signatures!
Petitions with 1,000+ supporters are 5x more likely to win!

The Issue

 

 

 

Bawat tao ay may kakayahang tumakbo bilang opisyal o miyembro ng isang grupo, ngunit naiiba ito kapag usapang politika. Hindi porke kaya mong lumaban at manalo ay tatakbo ka, hindi porke artista at sikat ay iboboto na, sapagkat lahat tayo ay may kakayahan ngunit hindi lahat ay nararapat. Ang senador ay gumagawa ng batas, hindi nagbibigay ng ayuda; ang politiko ay naglilingkod sa bayan, hindi sa piling tao. Ang artista ay mananatili sa pag-arte kung hindi siya nararapat, ngunit bakit pinipili pa rin nating iboto ang taong sikat at mayaman kaysa sa tunay na may alam? 

People demand them to run because they have the potential to win–but not to lead, and that is the biggest hypocrisy we Filipinos have: we vote based on popularity, not on qualification. May mga taong abogado, may empatiya sa tao, at may malasakit sa bayan, ngunit anong magagawa ng taong edukado sa kalaban niyang kilala ng tao? Wala, dahil ganoon tayong Pilipino, nadadala sa ayuda, sa lambing, maging sa sayaw, at sa huli hindi pa rin tayo natututo. Lumulusot pa rin ang iba sa Senado. Nawa'y malaman nating hindi porket kaya ay nararapat. 

Hindi dahil matalino ka ay ikaw ang nararapat, hindi dahil sikat ka ay ikaw ang dapat. Minsan mas matimbang ang taong edukado at kwalipikado sa liderato para sa tunay na pag-unlad ng komunidad. Ang mga opisyal ay dapat may malasakit, may konkretong plataporma, at handang makinig sa mga hinaing ng kapwa niya. Hindi sapat ang kasikatan o galing sa social media; kailangan ang tunay na serbisyo at dedikasyon sa kapwa. 

Sa huli, piliin natin ang mga lider na may puso para sa serbisyo, hindi lamang sa sariling interes o kasikatan. Ang tunay na lider ay nagtataguyod ng kapakanan ng lahat, may malasakit, at may kakayahang magpatupad ng makabuluhang proyekto sa paaralan. Kaya't huwag maging BOBOTANTE, bagkus kilatisin ang bawat tumatakbo ng sa responsibilidad ay hindi tayo takbuhan kung sila man ay mananalo. 

#Pumili ng WASTO. Piliin ang TOTOO

For more information about Voter Registration kindly click this link:https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/HowtoRegister

 

 

 

 

 

 

Petition Updates