TULUYANG ITIGIL ANG PROPOSED 1200MW ATIMONAN COAL PLANT

Recent signers:
Nash Anthony Basilio and 19 others have signed recently.

The Issue

Ang probinsya ng Quezon, na hindi lamang sentro ng turismo at yamang-natural, ay prominente ring tahanan ng mga coal-fired power plants, dahilan upang mabansagan ang lalawigan bilang ‘coal corridor’ ng Pilipinas. Sa bayan ng Pagbilao, matatagpuan ang dalawang yunit ng plantang may pinagsamang kapasidad na 735 MW na isa sa pinakamatandang pasilidad ng coal sa bansa, at 420 MW naman ang ikatlong yunit. Tahanan din ng dalawang pasilidad ang bayan ng Mauban na may pinagsamang kapasidad na 960 MW.

Sa kabila ng malalaking numerong ito, hindi pa rin nito winawakasan ang pagbubukas ng mga panibagong pasilidad ng fossil fuel plant sa lalawigan. Sa loob ng higit isang dekada, kumikilos ang iba’t ibang grupong ekumenikal at kalikasan, mamamayan at miyembro ng mga apektadong sektor upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa 1200 MW coal-fired power plant na itatayo sa Brgy. Villa Ibaba, Atimonan, Quezon.

Ang mga fossil fuel plants, kabilang ang pasilidad na gumagamit ng coal bilang gatong, ang inituruting na isa sa pinakamalaking dahilan ng mabilis na pagtaas ng temperatura ng mundo dahil sa mataas na kontribusyon ng greenhouse gases (GHG). Bukod sa klima, malaking banta rin ito sa buhay at kabuhayan ng mga artisanong mangingisda at komunidad na nakadepende rito dahil (1) malaking bahagi ng karagatan ang sumasailalim sa reklamasyon upang maisakatuparan ang pasilidad, (2) nanganganib ang pangmatagalang lagay ng saribuhay, lalo’t higit ng karagatan dulot ng polusyon, at ang (3) malaking posibilidad ng pagkakaroon ng insidente ng coal at oil spills, kagaya ng nangyari sa Mindoro noong 2023, kung saan libu-libong mangingisda hanggang sa kasalukuyan ang apektado pa rin. Naisasaalang-alang din ang kalusugan ng mga pasilidad ng coal, lalo’t higit ang mga pinakabulnerableng mamamayan sapagkat pinalalala nito ang polusyon sa hangin, na siyang lumabas na bagsak ang kalidad,  ayon sa pag-aaral na isinagawa noong 2023: The Invisible and Fatal: Assessing Air Quality Assessment in Coal and Gas Communities in Pagbilao and Atimonan, Quezon, and Maasim, Sarangani Through Citizen Science. Kasabay ang lahat nang ito, ang komplikadong proseso ng operasyon ng mga fossil fuel plants, kabilang ang coal, na kadalasa’y inaangkat pa sa ibang bansa, ay nagdudulot ng pasakit sa bulsa ng mga konsyumer dahil sa mahal na presyo ng kuryente.

Taliwas sa mga balita, ang pangakong trabahong lilikhain ng konstruksyon ay pansamantala lamang. Ang katotohanan ay ang pangmatagalang pagkawala ng mga hanap-buhay sa mga sektor na umaasa sa karagatan, kagubatan at kagubatan na siyang tunay na mga kayamanan ng lalawigan ng Quezon, at bumubuhay ng mga salinlahi.

Dahil dito, ako ay pumipirma, at nananawagan sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., at kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng Enerhiya, Sharon Garin upang tuluyan nang itigil ang konstruksyon ng panukalang proyekto ng 1200 MW Atimonan Coal Plant, sa ngalan ng kapakanan ng mga mamamayan at kinabukasan ng kalikasan. Ayon din sa Kagawaran, hitik ang potensyal ng Pilipinas upang malinang ang nakapagpapanibangong pinagkukunan ng enerhiya o renewable energy resources upang masuportahan ang pangangailangan ng bansa, lalong-lalo na ang solar energy, at nakaangkla sa layunin ng bansa na bawasan ang pagdepende sa mahal, nakalalason, at delikadong fossil fuel sa taong 2030. Naniniwala ako na ang tunay na kaunlaran ay mararamdaman, hindi sa gabundok na pinansyal na kapasidad ng isang naturang lugar na siya ring nanggagaling sa mga pasilidad na pangmatagalang sumisira ng kalikasan at kinabukasan, kung hindi sa pagkakaisa, kapangyarihan at inobasyong tinataglay ng bawat pamilyang Pilipino. 

527

Support now

527

Petition updates
Share this petition
Petition created on September 1, 2025