Stop the Smokey Mountain Waste-to-Energy incinerator!

Recent signers:
Zandr Lim and 19 others have signed recently.

The Issue

A ₱26 billion waste-to-energy (WTE) plant is being pushed in Smokey Mountain, Manila, disguised as a flood control and waste management project. Planned by PhilEco (Philippines) and Kanadevia (Japan), the 6-hectare facility aims to burn 3,000 tons of waste every day, threatening the health and livelihoods of tens of thousands of residents.

Even the World Bank and Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), the very banks that commissioned a feasibility study in 2023, have already declared the project “not viable” because of environmental and social concerns. Yet forced evictions began in August 2025, sparking protests as communities demanded accountability from Mayor Isko Moreno.

Smokey Mountain is a former dumpsite home to 55,000 people across Barangays 105, 128, and 129. Families, waste workers, farmers, and children live here, supported by schools, farms, and housing tenements. This project risks displacing communities and releasing toxic ash and air pollution into Manila Bay and surrounding areas up to 20 kilometers away.

The community has carried the weight of Manila’s waste for decades, championing community-based waste and climate solutions. They deserve and have the right to good health and homes, and a bright future.

✊ We call on the government to scrap this WTE incinerator and pursue real, sustainable solutions that protect people and the planet.

👉 Sign and share this petition to keep Manila No Burn.
#ManilaAntiIncineratorAlliance

~~~

Nagkakaisang Panawagan ng Manila Anti-Incinerator Alliance (MAIA)

Nagbubuklod kaming mga mangangalakal, kabataan, kababaihan, at maralitang taga-lungsod mula sa iba’t ibang barangay ng Smokey Mountain at kaalyadong sektor sa lokal na pamahalaan ng Maynila, mga ahensya ng pamahalaan kagaya ng DENR, MMDA, DHSUD, NHA at DPWH, kay Pangulong Bongbong Marcos at sa lahat ng pambansa at internasyunal na institusyon para sa kagyat na pagpapatigil sa lahat ng preparasyon, diskusyon, eksplorasyon at pagpopondo para sa pagtatayo ng Waste-to-Energy (WTE) incineration facility sa Tondo, Maynila. 

Dumulog kami nang paulit-ulit sa harap ng inyong mga ahensya subalit nagpatuloy ang mga demolisyon para sa mapinsalang  proyektong nabanggit.

Sa paggunita ng Day of Action Against Incimeration, kaming lahat ay nagsasama-sama para sa itayo ang Manila Alliance Against Incineration para sa tatlong panawagang ito:

Igalang ng pamahalaan, mga korporasyon at ng mga institusyong pinansyal ang pambansang ban sa incinerator na nakasaad sa Ecological Solid Waste Management Act at sa Clean Air Act. Ang lohika ng WTE ay “sunugin para mawala,” samantalang ang polisiya ng bansa ay pag-iwas, paghiwalay, pagre-reuse, pagre-recycle, at pag-compost. Nakasaad mismo sa ating batas na dapat iligtas ang lahat ng materyal, muling gamitin, at huwag pahintulutan ang mapaminsalang teknolohiyang nagbubuga ng mga dioxins/furans, mabibigat na metal, ultrafine particulate matters (PM) sa usok at lalo na sa fly ash at bottom ash na nagdudulot ng mga sakit at nakasisira ng kapaligiran. 

Itigil ang marahas na pagpapalayas sa aming mga maralitang tagalungsod at ipatupad ang pangmasang tirahan sa loob ng Smokey Mountain. Sa mahabang panahon, kami ang naging sandigan ng lokal na pamahalaan na mailayo ang mga basura sa landfill. Mula sa araw-araw naming pamumulot, pagsasala, at pangangalakal ng basura — naging sandigan kami ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili nang kalinisan ng Maynila — sa libreng halaga. Subalit ngayon, higit pa sa basura ang trato ng pamahalaan dahil sinusunog, ginigiba, tinatakot ang aming sektor para sa isang proyektong diumano’y makapaglilikha ng hanapbuhay sa maralita ngunit ang totoo’y linggo-linggo, ilang pamilya sa amin ang natutulak sa higit na kahirapan. Igalang ang karapatan ng mamamayan, itigil ang panghihikayat sa mga residente na mag-voluntary exit, at anumang porma ng demolisyon kapalit ng magkakaibang presyo ng financial assistance.

Hiinihiling naming itigil ang pambabakod sa palibot ng aming kabahayan. Itigil ang pananakot at pangha-harass ng private guards ng korporasyon at mga tauhan ng barangay sa mga residente ng court receiver.

Nanawagan kaming imbestigahan muli ng ang pagmamay-ari ng lupa at i-expropriate na ito ng pamahalaan upang i-award sa mga residente dahil sa nalinang na ito ng mga residente mula sa bundok ng basura hanggang nabuhay ang ekonomiya sa pangangalakal, pagsasaka at pagtitinda kahit sa gitna na lng kawalan ng serbisyong panlipunan sa aming lugar. 

Dapat pahintulutan kaming mga residente na muling itayo ang aming mga paninirahan dahil ang ginawang pagpapalayas sa amin ay labag sa mga karapatan ng maralitang tagalungsod sa konsultasyon, kompensasyon, at relokasyon na nakasaad sa. Urban Development Housing Act 

Serbisyong pantao, huwag gawing negosyo. Kahit nakasaad sa ating batas ang naaangkop na solusyon sa basura, agresibo pa ring tinututulak ng pamahalaan kasama ng World Bank at Asian Infrastructure Bank ang flood control project sa Maynila kung saan nakatuntong ang P26 B WTE incinerator project na ito. 

Gamit ang kaban ng mamamayan, pwede nang ayusin ng pamahalaan ang problema ng basura alinsunod sa RA 9003 na makapag lilikha pa ng mga maraming hanapbuhay. Maaari rin nitong paunlarin ang nasimulang pagtatanim ng mga residente sa pamamagitan ng irigasyon, pataba, binhi, at iba pang pangangailangan. Pwede rin itong magamit ng mga residente upang magkaroon ng sariling linya ng tubig at kuryente sa lugar. 

Nais rin naming magkaroon ng regular na konsultasyon sa pagitan ng mga residente at mga sangkot na ahensiya ng gobyerno at pribadong kumpanya para sa makataong pagpapaunlad ng Smokey Mountain.

Kami ay nananawagan sa pamamahalaan na sundin ang mga batas at tumalima sa pangangailangan ng mamamayan at kaligtasan ng kalikasan.

52

Petition Updates

Share this petition

Petition created on September 29, 2025