STOP CHA-CHA (charter change) in the Philippines!

The Issue

13 Reasons Why We Say NO to Charter Change (Cha-Cha/Constitutional Amendments)

[MAY BERSYONG FILIPINO SA IBABA]

1. Charter change will cost us 28 billion pesos according to NEDA – too big a sum to spend for a scheme that would not be for the Filipino people’s benefits. 

2. The budget for cha-cha would be better spent for education, health, housing, mass public transportation etc., especially in this time of economic and health crises 

3. The constitutional convention (Con-Con) that would be formed to shape the proposed constitutional revisions will probably be a den of political dynasties and their minions, because congressmen rejected a proposal that would have banned dynasty-linked candidates from running for a con-con seat. GARAPAL!

4. Con-Con delegates will receive 10,000 pesos per day of attendance in the con-con – that’s too much considering that the current real minimum wage in PH ranges from 266.44 to 500.44 pesos only. Gravy train for them while we all suffer from high prices and oppressive tax rates. 

5. The president and the speaker of the House (who are cousins) have the power to appoint the sectoral representatives of the Con-Con. There are better, more democratic ways of choosing the sectoral delegates.    

6. The proposed constitutional amendments could be self-serving in general. For example, some politician-initiated proposals include allowing presidential re-election, which could benefit Marcos Jr. and other admin figures. Marcos Jr. for 10 years! NO! NO! A THOUSAND TIMES NO!

7. Some cha-cha proponents would also want to abolish (rather than overhaul) the partylist system – a very bad idea considering that some partylist representatives (especially Makabayan Bloc) have a solid record in proposing progressive legislation (like free healthcare and lower income tax rates, to name a few) and in opposing anti-people bills and laws (creation of Maharlika Fund, and imposition of higher value-added tax/VAT to name a few).  

8. The bill on cha-cha is being railroaded, with almost no public participation. Genuine democratic deliberations and consultations – which should inform any discussion on cha-cha – were not comprehensively held. Sila-sila lang ang nag-uusap, parang sa Maharlika Fund din!

9.  The Philippine Constitution is too young to be revised. It’s just 36 years old and many of the provisions like the anti-dynasty provision are yet to be implemented. Hence, it’s premature to even talk about changing the constitution. 

10. While the federalist aspirations of some cha-cha proponents have some merits based on other countries’ experiences, federalism in the Philippines at this point will only result to the consolidation of dynastic power in every region, considering the lack of a strong ban on political dynasties; situation will be ala-Game of Thrones, where ordinary folks will have no say, and the powerful clans control everything. 

11. Our people are suffering from record-high inflation rates that gobble up our low incomes, and we’re still in the midst of a pandemic. Hence, the government should prioritize controlling prices of basic commodities, increasing wage rates of our citizens, and providing free or at least affordable healthcare services, rather than railroad politically-motivated constitutional amendments that no ordinary citizen is interested in at this time. 

12. Some cha-cha supporters claim that they just want to make the Philippine economy more attractive to foreign investments by fully opening up our economy to foreign ownership, but even before cha-cha, our economy is already very open to foreign investments, and countries with more economic restrictions on foreign investments (like China and Vietnam, to name a few) ironically receive more foreign investment than the Philippines. Moreover, many sectors of our economy (like mining) have been fully open to foreign operations, yet the country’s benefits remain minimal as foreign corporations typically repatriate most of their profits from PH operations to their mother countries, rather than re-invest profits here. The country’s dismal rankings in the Corruptions Perceptions Index is of course another reason why the Philippines is a no-go for many foreign investors. Hence, fully opening up our economy to foreign ownership won’t solve our economic woes. 

13. In a nutshell, in a Philippines where corrupt political dynasties (that are also beholden to foreign powers), neoliberal technocrats, and supergreedy oligarchs rule, any revision of the Constitution will only be for the worse. Hence, we say #NoToChaCha #StopChaCha

Please consider RTing if you have a Twitter account: https://twitter.com/dmmsanjuan/status/1631485605946245120 

P.S. Here are some of the practical things we can do, aside from sharing and signing this online petition:

1) Discuss cha-cha with our friends, families, co-workers and encourage them to stand against cha-cha too.

2) Call or send an email to our district representatives and senators to express our opposition to cha-cha.

3) Join forums, assemblies, rallies and other forms of public mobilization against cha-cha. 

4) Continue posting about cha-cha so that mainstream TV and radio will cover the issue more comprehensively and thereby expose the hidden agenda of cha-cha. 

~~~

13 Dahilan Bakit TUTOL Tayo sa CHA-CHA (Charter Change/Pagbabago ng Nilalaman ng Konstitusyon)

1. Para sa cha-cha, gagastos ang gobyerno ng 28 bilyong piso mula sa kaban ng bayan ayon sa NEDA – napakalaking halaga para sa isang pakana na hindi para sa benepisyo ng sambayanang Pilipino.

2. Ang badyet para sa cha-cha ay mas mabuting ilaan na lang sa edukasyon, kalusugan, pabahay, publikong transportasyon atbp, lalo na ngayong panahon ng krisis sa ekonomiya at kalusugan.

3. Ang constitutional convention (Con-Con o asembliya ng mga delegado/kinatawan) na bubuuin para pag-usapan at bigyang-hugis ang mga panukalang rebisyon sa Konstitusyon ay malamang na maging karagdagang espasyo para sa mga political dynasties (mga pamilya ng politiko) at kanilang mga alipores, dahil ibinasura ng mga kongresista ang panukalang ipagbawal ang pagtakabo sa eleksyon para sa mga pwesto sa con-con ng mga kandidatong konektado sa mga political dynasty.

4. Ang mga delegado ng Con-Con ay makakatanggap ng 10,000 piso kada araw ng pagdalo sa con-con – sobra na iyon kung isasaalang-alang na ang kasalukuyang tunay na halaa ng minimum na sahod sa Pilipinas ay mula 266.44 hanggang 500.44 piso lamang. Libu-libong piso para sa kanila habang lahat tayo ay hirap na hirap na sa mataas na presyo at sobrang taas na buwis.

5. Ang presidente at ang speaker (tagapagsalita) ng Kongreso (na magpinsan) ay binibigyan ng kapangyarihan na piliin ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor para sa Con-Con. May mas maayos at mas demokratikong paraan ng pagpili ng mga sektoral na delegado kaysa rito.

6. Ang mga ipanapanukalang pagbabago sa konstitusyon ay makasarili ang layunin sa pangkalahatan. Halimbawa, ilang politiko ang nagpapanukala na payagan ang re-eleksyon o pagkakaroon ng pangalawang termino ng presidente, probisyon na maaaring makinabang si Marcos Jr. at iba pang mga opisyal sa kasalukuyang administrasyon.

7. Nais din ng ilang nagsusulong ng cha-cha na alisin (sa halip na isaayos at ireporma) ang sistema ng partylist – isang napakasamang ideya kung isasaalang-alang na ang ilang mga kinatawan ng partylist (lalo na ang Makabayan Bloc) ay may magandang rekord sa pagpapanukala ng mga progresibong bill (tulad ng libreng serbisyong pangkalusugan at mas mababang income tax o buwis sa sweldo) at sa pagtutol sa mga panukalang batas at batas na anti-mamamayan (gaya ng pagbubuo ng Maharlika Fund at pagtataas ng value-added tax/VAT).

8. Ang panukalang batas sa cha-cha ay niraratsada nang halos walang partisipasyon ng mga ordinaryong mamamayan. Ang tunay na demokratikong deliberasyon at konsultasyon – na kailangan para maging malaman at mabisa ang anumang talakayan sa cha-cha – ay hindi komprehensibong naisagawa.

9. Napakabata pa ng Konstitusyon ng Pilipinas para bigla na lamang baguhin ito. 36 taong gulang pa lamang ito at marami sa mga probisyon sa Konstitusyon tulad ng probisyon ng pagbabawal sa mga political dynasty ay hindi pa nga naipapatupad. Samakatwid, hindi pa panahon para pag-usapan ang anumang tangkang baguhin ang konstitusyon.

10. Bagamat ang mga adhikain ng mga maka-pederalismo (pro-federalism) na nagtataguyod ng cha-cha ay may mabuting intensyon at nakabatay sa mga magandang karanasan ng ibang bansa, ang pederalismo sa Pilipinas sa puntong ito ay magreresulta lamang sa lalo pang paglakas ng kapangyarihan ng mga dynasty sa bawat rehiyon, kung isasaalang-alang ang kawalan ng aktwal na batas para ipagbawal ang political dynasties; ang sitwasyon ay magiging mala-Game of Thrones, kung saan ang mga ordinaryong tao ay hindi magkakaroon ng anumang tsansa na mapakinggan, at kontrolado ng mga makapangyarihang angkan ang lahat.

11. Ang sambayanang Pilipino ay hirap na hirap na ngayon sa mataas na presyo ng bilihin na sumisimot sa ating mababang kita, at tayo ay nasa gitna pa rin ng isang pandemya. Kaya naman, dapat unahin ng gobyerno ang pagkontrol sa presyo ng mga pangunahing bilihin, pagtataas ng sahod ng ating mga mamamayan, at pagbibigay ng libre o kaya’t  abot-kayang serbisyong pangkalusugan, sa halip na pagratsada sa mga makasariling pagbabago sa konstitusyon na sa ngayon ay wala sa isip ng at hindi interesado ang mga ordinaryong mamamayan.

12. Sinasabi ng ilang maka-cha-cha na gusto lang nilang gawing mas kaakit-akit ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga dayuhang mamumuhunan (foreign investors) sa pamamagitan ng ganap na pagbubukas (o pagbuyangyang) ng ating ekonomiya sa dayuhang pagmamay-ari, ngunit bago pa man mag-cha-cha, ang ating ekonomiya ay bukas na bukas na sa mga dayuhang investors, at ang mga bansang mas mahigpit sa mga foreign investment (tulad ng Tsina at Vietnam) ay balintunang tumatanggap ng mas maraming dayuhang pamumuhunan kaysa sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming sektor ng ating ekonomiya (tulad ng pagmimina) ang dati nang nakabuyangyang sa mga dayuhan, ngunit ang mga benepisyo ng bansa ay nananatiling napakaliit dahil ang mga dayuhang korporasyon ay karaniwang nireremit (pinapadala) sa kanilang mga bansa ang kita mula sa mga operasyon nila sa Pilipinas, sa halip na dagdagan ang puhunan nila rito sa bansa natin. Ang pangit na ranggo ng bansa sa Corruption Perceptions Index (listahan ng mga bansa na niraranggo batay sa tindi ng korapsyon/katiwalian) ay isa pang dahilan kung bakit ang Pilipinas ay hindi kaakit-akit sa maraming dayuhang mamumuhunan. Samakatwid, ang ganap na pagbubukas ng ating ekonomiya sa dayuhang pagmamay-ari ay hindi rin makakalutas sa ating mga problema sa ekonomiya.

13. Sa madaling sabi, sa kasalukuyang Pilipinas kung saan ang mga namumuno ay mga korap na political dynasties, neoliberal na mga teknokrat (mga “propesyonal” na nakapwesto sa mga ahensya at nagpapanggap na “matalino” at “makabayan” pero sa aktwal ay nagsusulong ng pribatisasyon, liberalisasyon, deregulasyon at iba pang polisiyang neoliberal na hindi paborable sa mga Pilipino), anumang rebisyon ng Konstitusyon ay tiyak na magpapasama lang lalo sa masama na nga nating sitwasyon. Kaya naman, ipinapahayag natin na tayo ay #NoToChaCha #AyawNaminSaChaCha #StopChaCha

2,181

The Decision Makers

President Ferdinand Marcos Jr.
President Ferdinand Marcos Jr.

Petition Updates

Share this petition

Petition created on March 2, 2023