Victory

Pahintulutan ang mga manonood na magdala at maipasok sa sinehan ang pagkain o snacks na binili sa labas ng food stall nilang "Snack Time."

This petition made change with 108 supporters!


Mahalaga ito dahil napaka limited lang ng food choices sa Snack Time. Maliban pa diyan, madalas hindi masarap, masyadong mahal ang presyo, at karamihan hindi masustansya. Ang popcorn ay makunat. Ang hotdog buns ay mamasa-masa. At isa pa, mabagal kumilos ang mga tindera at tindero. Minsan inaabot na ng simula ng palabas dahil sobrang haba ng pila ng gustong bumili (shempre, kung doon lang ba naman pwede bumili ng pagkain). Ang panonood ay dapat isang masayang gawain at pampalipas oras. Pero sa ginagawa nilang "paraan para maiwasan ang kaduda-dudang bitbit sa loob ng sinehan" (yan daw ang dahilan bakit may ganoong policy), parang nakakawalang gana na ang manood ng sine. Kailangan gawin muling pleasant experience ang panonood ng sine. Hindi lahat ng taong gusto magdala ng bomba sa sinehan, sa lalagyan ng pagkain nilalagay ito. At saka, sa higpit ng security nyo, malamang wala na ring magtatangkang magdala ng bomba sa sinehan.



Today: Elaine is counting on you

Elaine De Los Santos needs your help with “SM City Davao: Pahintulutan ang mga manonood na magdala at maipasok sa sinehan ang pagkain o snacks na binili sa labas ng food stall nilang "Snack Time."”. Join Elaine and 107 supporters today.