SIM Registration Law, Pahirap sa Mamamayan! Ibasura ang SIM Registration Law!

The Issue
Ipinapanawagan namin ang kagyat na pagbabasura ng SIM Registration na isang tasahang paglabag sa ating mga karapatan sa privacy, seguridad, kalayaan sa pagpapahayag, at malayang akses sa komunikasyon. Dagdag pa ang pagpapahirap nito sa mamamayan at paglalagay sa atin sa iba’t-ibang panganib gaya ng mga bagong modus ng scam at pagbebenta ng data na dala ng di maayos na paggamit ng teknolohiya ng gobyerno.
Ginagawang pribilehiyo ng SIM registration ang komunikasyon na dapat ay malayang natatamasa ng lahat ng mamamayan at di lamang ng iilang may kakayahang makapagrehistro. Ang online na registration process ay hindi lapat sa kalagayan ng milyun-milyong Pilipino na limitado ang akses sa internet. Ito ay isang malaking pasanin sa mga mahihirap na subscriber na walang kakayahang bumili ng mobile data at sa mga taong nakatira sa malalayong lugar kung saan mahina o walang signal. Maski ang rekisito na valid ID ay isang malaking problema para sa mga kababayan nating walang ID at di madaling makakakuha nito dahil mahal ang bayad o kaya kailangan pang lumiban sa trabaho para makapag-ayos ng mga dokumento.
Ang SIM registration ay naging dahilan ng paglaganap ng mga bagong modus ng scam na sinamantala ang desperasyon ng SIM card users na nahirapan at naguluhan. May mga ulat na nagpapanggap ang ilang indibidwal na sila ay kinatawan ng mga telco upang makakuha ng personal na impormasyon o maningil ng pera para tulungan silang magregister. Nilalagay nito sa panganib ang personal na impormasyon ng mga mamamayan at taliwas sa layunin ng batas na maiwasan ang mga scam.
Nakakabahala ang mga implikasyon ng SIM registration sa ating data privacy at security. Ang pagpapahintulot ng National Telecommunications Commission sa mga telco na kunin at ibahagi ang personal na impormasyon ng mga SIM card user sa mga pribadong korporasyon at gamitin ito para sa negosyo nila ay labag sa ating karapatan sa privacy. Sa halip na gumawa ng batas na nagdudulot ng pagbebenta ng data, dapat ay palakasin ng gobyerno ang mga batas na nag-aalaga sa seguridad ng ating impormasyon.
Sa halip na tuparin ng batas ang pangako nitong maiwasan ang mga scam, nagresulta ang SIM Registration Law sa kabaligtaran. Bukod sa pagtatayo ng balakid sa malayang komunikasyon, nilalagay pa nito sa malaking panganib ang ating impormasyon at seguridad. Naniniwala kami na hindi solusyon ang pagrehistro ng SIM card at ito ay nagdulot lamang ng dagdag na pahirap, perwisyo, at panganib sa publiko. Ipinapanawagan namin sa gobyerno ang agarang pagbasura sa SIM Registration Law at sa halip ay unahin ang mga hakbang at batas na nirerespeto ang karapatan at seguridad ng mamamayan.
IBASURA ANG SIM REGISTRATION!
IPAGLABAN ANG KARAPATAN SA AKSES SA KOMUNIKASYON!
PROTEKTAHAN ANG KARAPATAN SA PRIVACY!
KARAPATAN NG MAMAMAYAN, IPAGLABAN!

Petition Closed
Share this petition
Petition Updates
Share this petition
Petition created on February 19, 2023