Petition Closed

Hanapin ang katotohanan. Imbestigahan at pigilan ang "LAGLAG BALA EXTORT MODUS" sa NAIA

This petition had 25,714 supporters


Sana po imbestigahan nyo po ang nangyayaring laglag bala sa mga bagahe ng mga OFW at mga turista dyan sa NAIA, dahil kawawa naman po ang mga nabibiktima. Nagpapakahirap po kaming mag trabaho dito at pangalagaan ang pangalan namin at ang pagiging Filipino namin, para lang sirain ng mga taong walang magawa sa buhay.

Dito sa Hong Kong ang liit na ng tingin ng mga tao sa Filipino, paano pa pag nalaman na ganyan ang ginagawa nila na mismong kapwa namin Filipino ang nanamantala sa amin. Pitong taon na po ako nag tratrabaho dito sa Hong kong kasama ang kapatid ko pamilya nya at nanay ko ngayon. Nag babalak po kaming umuwi ngayong Desyembre, pero sa nangyari kay nanay Gloria Ortinez na kapwa naming Domestic Helper dito, parang nakakatakot na po talaga kaming umuwi ng Pilipinas, dahil andon yong takot na baka mangyari lang din sa amin ang nangyari kay nanay.

Ang batas dito sa Hong Kong napakahigpit. Walang sira ulong mag dadala ng alam nilang bawal na ikakapahamak nila. Si Nanay Gloria 30 years nang nagtratrabaho dito sa Hong Kong at nagawa nyo paring biktimahin. Paano naman po kaming, sa mga dekada na ang inabot dito, tawag sa amin baguhan parin. Sana po maawa naman po kayo at pa-imbistigahan nyo naman po ito at tigilan na po. Lahat po kami sabik na sabik makauwi sa Pilipinas, mayakap at mahagkan man lang ang mga mahal namin sa buhay kahit sandali lang, pero sa nangyayari, mas mabuti na daw magpakatulong, kumayod nang kumayod at magpakakuba dito makuntento nalang daw sa skype at tawag sa telepono kaysa sa kulungan ang bagsak pag uwi sa Mahal naming Bayan.



Lahat kami ang pinaka asam asam namin ang makauwi sa Pilipinas kahit panandalian lang, pero paano na pag ganito ang nangyayari? Safe pa ba kami sa mismong mga staff ng NAIA? Makakauwi pa ba kami nang walang takot na baka sa kulongan ang bagsak namin? Tulungan nyo naman po kaming ipa-hinto ang nangyayaring modus operandi ng lag laglag bala sa NAIA. Maawa naman po sana kayo sa aming mga OFW. Di po namin pinaghihirapang alagaan ang pangalan namin para lang sirain ng mga gahaman sa isang iglap lang.











Today: Ednalyn is counting on you

Ednalyn Purugganan needs your help with “@sengracepoe @senmiriam: Hanapin ang katotohan. Imbestigahan, pigilan ang LAGLAG BALA MODUS sa NAIA”. Join Ednalyn and 25,713 supporters today.