Petition Closed
Petitioning DOTC Sec. Mar Roxas and 1 other
This petition will be delivered to:
DOTC Sec. Mar Roxas
Civil Aeronautics Board
Exec. Dir. Carmelo Arcilla

Sec. Mar Roxas' Stranded Promises to Air Passengers

-- IPATUPAD ANG RESOLUTION 28 at 29 NA KUMUKONTROL SA ANTI-CONSUMER POLICIES NG MGA BUDGET AIRLINES TULAD NG OVERBOOKING AT "NO REFUND, NO REBOOKING" POLICIES --

Mahalaga ito dahil dapat maproteksyunan ang mga pasahero mula sa abusadong overbooking policy ng mga airlines. Ipapatupad na sana ang pagkontrol ng allowed overbooking sa ilalim ng Resolution 28 pero di ito tinuloy ng Civil Aeronautics Board. Dapat i-pressure ang DOTC at CAB dahil mukhang hinaharangan ito ng mga budget airlines.

Marami na ang naaagrabyado dahil sapilitang bina-bump off sa mga flight, nawawalan ng mga bagahe at di pa maayos na nabibigyan ng compensation tuwing nadedelay ang mga flight.

Si Pam, ang kaibigan kong OFW sa China na nagbakasyon sa Pilipinas, na-bump off dahil in-overbook ang flight nya pabalik ng Shanghai. Dahil doon, di siya naka-sweldo ng tatlong araw. Ang kasama niya na isa pang OFW, nagmakaawa na makasakay dahil magagalit daw ang boss nya at pwedeng masisante siya sa trabaho. Ganito kalaki ang nawawala sa mga tao na di kayang ibalik ng mga budget airlines.

Nagsisimula na ang mga public hearing ng DOTC tungkol sa Air Passenger's Bill of RIghts ngayong linggo. Dapat maparating kay DOTC Sec. Mar Roxas and CAB Exec. Dir. Arcilla na pagod na ang mga consumer sa pang-aabuso ng mga budget airlines kung hindi, mananalo na naman ang mga airlines na harangin ang Resolution 28.

Dapat ituloy din ang pagtanggal ng 'No Refund, No Rebooking' conditions sa ilang mga low fares ng ilang domestic flights sa ilalim ng Resolution 29.

More info:

http://www.abs-cbnnews.com/business/06/20/12/overbooking-no-refunds-allowed-again

http://www.interaksyon.com/article/35321/in-turnabout-cab-junks-pro-consumer-airline-passenger-rules

PHOTOCREDIT: www.dinneratsixthirty.com 2011


Letter to
DOTC Sec. Mar Roxas
Civil Aeronautics Board Exec. Dir. Carmelo Arcilla
I just signed this petition. Prove to us, DOTC Sec. Mar Roxas and CAB Exec. Dir. Arcilla, that you are strong enough to stand up for consumers and you do not succumb to pressure from these airlines.

----------------
Mahalaga ito dahil dapat maproteksyunan ang mga pasahero mula sa overbooking at no refund on cancellation policies ng mga airlines. Ipapatupad na sana ang mga ito sa ilalim ng Resolution 28 at 29 pero di ito tinluoy ng Civil Aeronautics Board. Dapat i-pressure ang DOTC at CAB dahil hinaharangan ito ng mga budget airlines.

Marami na ang naaagrabyado dahil sapilitang bina-bump off sa mga flight, nawawalan ng mga bagahe at di pa maayos na nabibigyan ng compensation tuwing nadedelay ang mga flight.

Nagsisimula na ang mga public hearing ng DOTC tungkol sa Air Passenger's Bill of RIghts ngayong linggo. Dapat maparating kay DOTC Sec. Mar Roxas and CAB Exec. Dir. Arcilla na pagod na ang mga consumer sa pang-aabuso ng mga budget airlines kung hindi, mananalo na naman ang mga airlines na harangin ang Resolution 28 and 29.

---------------

Sincerely,