SAVE THE 100 YEAR OLD DAELO-NAGAR ANCESTRAL HOUSE

The Issue

Ang lumang bahay ay pagmamay-ari nina G. MARCOS DAELO at GNG. CIRILA NAGAR-DAELO, na kalaunan ay ipinamana sa bunso nilang anak na kung tawagin ay si  Amamang Ading (Amadeo Daelo) at Inanang Teresa (Teresa Daelo) na ngayon ay ipinasa na sa mga anak at sumunod na henerasyon ng pamilya Daelo. Ayon sa aming pananaliksik, isinilang si G. Amadeo noong Enero 8, 1921 at namatay nitong Marso 14, 2003. Sa kasalukuyan ay pagmamay-ari ng mga magkakapatid na sina Gng. Ruchie Daelo Tabernilla, Gng. Celia Daelo Monsayac at Gng. Nora Daelo Llegado. Kung kaya malakas ang paniniwala na nasa isandang (100) taong gulang na ang bahay na ito dahil dito na ipinanganak at nagkamalay si G. Amadeo. Isa sa pinakatanyag na lumang bahay noong panahong iyon. Dito nanirahan sa bahay na ito ang unang babaeng kapitana na si Gng. Teresa Lavares-Daelo sa Lalawigan ng Tayabas. Marahil ang bahay ding ito ang nagsilbing bahay nayon. Sa panahong iyon ay kung sino ang namumuno sa nayon ay doon din ang ginagawang tanggapan ng barangay. Tanging mga kilalang tao ang nahahalal o napipiling mamuno sa barangay.

Ang lumang bahay na ito ayon sa kasalukuyang nangangalaga dito ay madalas pagdausan ng sayawan at iba't ibang okasyong pambarangay. Madalas itong pagdausan ng mga mahahalagang okasyon dahil napakalaki at napakalapad ng mga sahig nito at malalaki ang mga pondasyon o haligi nito. Kasyang kasya ang maraming tao sa loob ng kabahayan. Kumikinang sa kintab ang mga sahig nito na alaga sa floor wax at lampasuhin noong mga panahong iyon. Bilang pangkalahatang karanasan nila ay masasabing napakayaman sa karanasan at puro masasayang pangyayare ang naganap dito. Nalulungkot lang sila kung ito ay hindi papahalagahan at tuluyang sisirain dahil sa nakaambang panganib ng road widening sa lugar.

Ayon naman kay G. Elmer Daelo, noon una sa mga kwento naririnig niya ay dito sa lumang bahay madalas ginaganap ang mga importante pagpupulong o mga kaganapan na dinadaluhan ng mga matataas na opisyal noon panahon ng kastila. Nakatira din daw sila dito taong 1976 hanggang 1979 sa silong ng lumang bahay. Sa kanyang tantiya, nasa mahigit isangdaan (100) taon na ang bahay dahil un mga balustre niya at iyong ibang parte ay puro sabat ang gamit at hindi ginamitan ng pako. Ayon sa kanya ito ang karaniwang ginagamit noon panahon ng kastila sa pagggawa ng bahay at magpa-hanggang sa ngayon ay ginagamit padin ang pamamaraang ito sa Japan. Ito ay kung tawagin daw ay wood joint craftsmanship.

Sa ibang bahagi ng kwento, ayon sa natitirang anak ng may-ari, taong 1962, panahon ng panunungkulan ni dating pangulong Ferdinand Marcos, sa isang pagpupulong sa munisipyo ay nakasama siya sa nanay niyang kapitana, at doon ay naipahayag na na darating ang panahon at dadaanan nga daw ito ng proyektong pagpapalawak ng daan. Ayon sa kanyang ina, halos kwarenta porsyento ng bahay ay matatapyas ng naturang proyekto, kung alin pa daw ang matibay ay yun ang maapektuhan, at kung alin ang bulok na parte ay yung ang ititira. At ngayon nga ay nakaamba na ang proyekto. Kung sila ang tatanungin ay nais nila itong ilaban upang maisalba, isalba ang mga alaala ng mga pangyayaring naganap sa bahay na ito, napakahalaga ng bahay na ito sa kanilang angkan, isa ito sa nagbuklod sa kanilang pamilya upang mapatibay ang kanilang samahan. Ngunit anu naman ba ang laban nila sa pamahalaan kung ito ay kunin na.

Sa aming pakikipagpanayam, andoon yung pagnanais ng mga kasalukuyang nangangalaga na ipaayos at iparestored ang lumang bahay na ito, nagiging balakid lang at nakasabit yung usapin ng road widening na usapin. Sayang lang yung magagastos nila sa pagpapaayos kung ipagpipilitan ng mga ahensya na ipagpatuloy at hindi ikonsidera ang kahalagahan ng lumang bahay na ito. May isang local restaurant din na nagpahayon ng pagnanais na gamitin ang lumang bahay bilang isang restaurant ngunit nagbago isip ng malaman ang naturang proyekto ng DPWH na pagpapalawak ng kalsada. Kaya sana makaisa nila tayo upang isigaw ang mariing pagtutol sa gagawing pagpapalawak ng kalye sa lugar na ito, isalba ang lumang bahay na ito.

Kaya ipinapanawagan namin sa DPWH, kay Secretary Manuel M. Bonoan, sa ating District Engineer Salvador Salvania at sa lahat ng involve sa proyektong Road Widening sa bahagi ng Tayabas-Calumpang Road na ikonsidera ang pag-iwas sa lumang bahay at huwag itong galawin at sirain dahil sa kahalagahan ng bahay na ito sa komunidad at maging sa bayan ng Tayabas.

#SaveDaelo-NagarAncestralHouse 

#SaveDaelo-LavaresAncestralHouse

avatar of the starter
OST TAYABAS HERITAGE GROUP INCORPORATEDPetition StarterToday the links of the past of Tayabas are in danger to lost because we, are not aware on how important they are in our life and in our history. The 12 Spanish Arched Bridge, Krus na Bato, Santa Crusan, Minor Basilica of Saint Michael Archangel, Old hou

373

The Decision Makers

Secretary Manuel M. Bonoan
Secretary Manuel M. Bonoan
DPWH Secretary
Engr. Salvador Salvania
Engr. Salvador Salvania
DPWH District 1, Quezon Province
ADE MELINDA E. STO. DOMINGO
ADE MELINDA E. STO. DOMINGO
DPWH District 1, Quezon Province
RD JOVEL G. MENDOZA
RD JOVEL G. MENDOZA
DPWH REGIONAL DIRECTOR
ARD ISIDRO O. ENCARNACION (OIC)
ARD ISIDRO O. ENCARNACION (OIC)
DPWH ASST. REGIONAL DIRECTOR

Petition Updates

Share this petition

Petition created on February 22, 2023